Angeline Quinto, nananatili pa din simple ang pamumuhay kahit malayo na ang narating sa industriya ng showbiz

Loading...

Ang tao na nakasanayan ang simpleng pamumuhay ay hahanap-hanapin pa rin na kahit anong layo na ng narating.

Gaya na lamang ni Angeline Quinto na isang magaling na mang-aawit at isang aktres. Itinanghal na kampeon ng “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar” noong 2011.

Isa rin siya sa isa sa mahuhusay na mang-aawit ng bansa at napabilang sa Filipino girl group na ‘Divas’ kasama sina Kyla, KZ Tandingan at Yeng Constantino.

Si Angeline o mas kilalang tawagin na ‘Angge’ ay nasa 30 taong gulang. Sa kwento ng kanyang buhay ay may masalimuot din siyang karanasan at ang kanyang ina.

Ang kanyang mga magulang ay sina Pop Quiros at Rosemarie Susan Mabao.

Ayon sa ilan ulat, hindi sana nais ng kanyang ina na ipagbuntis siya dahil sa mapang-abuso nitong ama.

Bagamat, ang tiyahin naman ng kanyang ama na si Sylvia Quinto ang nagkumbinsi sa ina ni Angge na huwag itong ipalaglag at siya na ang bahala magpalaki sa bata.

Nang ipinanganak na si Angeline ay nagpakalayo-layo na ang kanyang ina at ang kanyang ‘Mama Bob’ na ang siyang nag-alaga dito. Ang kanyang ama naman ay nagkaroon na ng ibang pamilya.

Habang nagkakaroon ng muwang si Angeline ay nababatid na noon na siya ay ampon at nagkaroon ng komunikasyon sa kaniyang ama ngunit hindi prin niya nakikilala ang kanyang tunay na ina.

Makalipas ang 20 taon ay nakilala na niya ito noong taong 2012. Napag-alaman na pinsan pala ito ng singer-comedian na si Rufa Mae Quinto.

Sa kabilang banda, sa dami niyang pinagdaanan sa buhay ay nananatili pa din ang kanyang paa ay nakatapak pa din sa lupa.

Kahit na isa siya ngayon na kilalang singer sa bansa ay hindi pa rin nawawala ang pagiging natural nito lalo na pagdating sa simpleng pamumuhay.

Hindi na rin nakakapagtaka na kumasa siya sa ”Overnight Kubo Challenge’ kung saan siya ay maninirahan sa isang kubo sa loob ng isang araw at isang gabi.

Maraming bumilib na mga netizens kay Angge dahil mapapansin na wala siyang arte sa kanyang ginawa at talagang sanay na sanay sa simpleng pamumuhay.

Ang kanyang katawan ay batak talaga sa pang-masa, mga kinakain ay sanay siya sa kung anong mayroon kahit na mayaman na siya ngayon.

Narito rin ang ilan komento kay Angeline na ikinahanga nila.

“Super down to earth prang di celebrity. She’s maybe the kindest & simplest personality in showbiz.”

“i’ve never ever seen a celebrity doing this ,well done you are one very down to earth and genuine lady! I dont know you much but I salute to you and more blessings in you career! God bless always”

“Natural na simple si angeline. Hindi maarte. Sanay sa hirap ng buhay. Marunong lumingon sa pinanggalingan. Godbless you angge.”

“Ang sarap talaga ng buhay probinsya. Simple lang at may peace of mind. Malayo sa toxicity ng syudad”

Loading...