Natatandaan nyo pa ba si Spencer Reyes na miyembro ng Streetboys? Ito na ang kanyang buhay ngayon bilang isang Bus Driver sa Scotland

Loading...

Marahil kapag narinig natin na ang trabaho ng isang tao ay artista maiisip agad natin na ito ay malaki ang sahod.

Kahit na maraming artista ang tumatagal at hindi umaalis dito ay mayroon din naman na umaalis at mas pinipiling humanap ng ibang trabaho kung saan sila ay masaya o mas magiging maayos.
Marami sa atin ang nakakakilala o nakakaalala sa dating miyembro ng Streetboys na si Spencer Reyes.

Ang street boys ay isang grupo sa pag sasayaw na talaga naman sumikat noong dekada 90. Ngunit matapos ang ilan taon si Spencer ay nakapag desisyon na lisanin ang mundo ng showbiz upang magtungo sa United Kingdom at doon mag trabaho. Simula noon ay wala na tayong narinig kay Spencer.

Ngunit kamakailan lamang ay nagkaroon ng pagkakataon na interbiyuhin si Spencer sa isang Radio program at dinetalye na niya kung ano ang estado ng kanyang buhay ngayon at sinabi niya dito na isa na siyang bus driver.

Ayon sa dating aktor ikinuwento niya na ang pagiging bus driver daw sa scotland ay hindi biro.

Sobrang hirap ng kanyang napagdaan bago niya makuha ang kanyang lisensya katunayan nga ay nagaral pa siya ng anim na buwan para lamang dito.

Dagdag pa ni Spencer na ang kanyang pinapatakbo na Bus ay isang Tour Bus sa scotland ginagawa na niya ito ng halos dalawang taon.

Sa ngayon ang kanyang mga pasahero o hinahatid ay ang mga Frontliners medical health workers sa ospital sa scotland dahil ang city kung saan siya ay nagtatrabaho ay sumasailalim din sa l0ckdown dahil sa kinakaharap ng buong mundo na sakit na C0’VID.

Kwento pa ni Spencer na ang kanyang pinagtatrabuhan daw na Bus Company ay maayos na ang pamamalakad at ginagawa ang lahat para sa mas ligtas na paghahatid sa mga frontliners.

Tulad na lamang na paglilinis at pagsasanitize sa mga sasakyan na gagamitin ng mga frontliners at tamang pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) kapag siya naghahatid para maging ligtas at protekta laban sa bayrus.

Inamin din nang aktor na minsan ay nami-miss niya ang pag aartista lalo na ang pagsasayaw kung saan namulat ang kanyang pagkatao.

Ganun pa man nabawasan ang kanyang pagka-miss dahil ang isa din na datin niyang ka miyembro na si Micheal Sesmundo ay nandoon din sa bansang Scotland, Dahil ang asawa ni Micheal at ang asawa ni Spencer ay mag kapatid.

Isa din sa kanyang pinagkakaabalahan ngayon ay ang kanyang sinisimulan na paggawa nga mga video kung saan ilalagay niya sa kanyang Youtube Channel karamihan sa mga to ay kanyang pagsasayaw.

Loading...