Natatandaan nyo pa ba si Hero Angeles? Ito na ang kanyang buhay na tinatahak ngayon matapos iwan ang pag-aartista

Loading...

Marahil matagal na siguro ang nakaraan matapos manalo ni Hero Angeles sa isang talent search program sa ABS-CB na “Star Circle Quest”.

Lumabas siya sa mga ilang teleserye at pagkatapos non ay bigla nalamang naglaho, Ano na nga ba ang estado niya at nasaan nga ba ang isang Hero Angeles?

Ayon sa mga nakasama niyang artista si Hero ay isang mabait na artista na may pakisama sa kanyang mga katrabaho kung saan nga ito ay lagi nagbabahagi at nagtuturo ng kanyang mga talento sa iba mga kasama.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Sa isang bidyo na lumabas sa isang Youtube Channel na Artista Updates, mapapanood ang isang panayam kay Hero tungkol sa kanyang buhay artista at ang kanyang buhay hanggang siya ay umalis sa mundo ng showbiz.

Nang manalo si Hero sa “Star Circle Quest” siya isa sa mga kinilalang Hottest stars noong 2004 at nagkaroon ng mga palabas at proyekto at itinambal sa ka loveteam niya sa dating aktres na si Sandara Park.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Ang loveteam ni Hero at Sandara ay sumikat at tinangkilik ng mga tao lalo na ng pagbidahan nito ang kanilang pelikulang “Bcuz of You” at “Can this be love?”.

Sa kabila ng kanyang kasikatan at natamasang pamamayagpag sa pag aartista ay nagpagdesisyunan din ni Hero na umalis sa showbiz matapos ang kanyang kontrata sa Kapamilya network.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Simula noon ay mangilan-ngilan nalamang na palabas kung saan makikita si Hero sa ibang network.

Gayundin ang kanyang ka loveteam na si Sandara umalis din ito sa showbiz at napagdesisyunan na bumalik sa South Korea at kung saan ngayon siya isang sikat na sikat na singer superstar.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Marso 2008 muling nasilayan si Hero sa telebisyon ngunit hindi na sa Kapamilya kundi ito ay sa GMA network sa programang Luna Mystika at Dyesebel.

Doon nga napag-alaman na lumipat na nga ito ng TV station at siya na sa ilalim na ng management ng yumaong Master Showman na si German Moreno at ng kapatid ni Hero na si Henry Angeles.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Ngunit sa kanyang paglipat mapapansin na iilan lamang ang kanyang proyekto at palabas sa TV at masasabing hindi na siya nagtatrabaho bilang fully pledge na artista.

Ang dahilan ng mga ito ay dahil mas pinili niya na maging isang pintor at ang lahat ng oras niya ay doon niya ibinuhos at ito rin ang nagdala sa kanyan tagumpay na kanyang tinatamasa ngayon.

Photo Credit | iamheroangeles Instagram

Ngayon ay meron siyang Facebook page na may pamagat na Artcetero kung saan ang lahat at iba`t-ibang artist ay nagsama sama at pinaguusapan ang kanilang mga likha.

Ayon sa panayam kay Hero, Bata pa lamang siya hilig na niya ang pagguhit at karamihan sa kanyang mga papel ay may likha hayop at maliliit na komplikadong hugis.

Loading...