Mister, hindi napigilan maiyak matapos mapanood sa CCTV ang ginagawa ng kanyang Misis sa kanilang Anak habang siya ay nasa trabaho

Loading...

Ang pagiging stay-at-home parent ay madalas walang pahinga dahil habang inaalagaan ang kanilang anak ay agad din inaasikaso ang gawain bahay.

Bukod pa dito, wala silang oras ng uwian o dapat matapos kaya kahit magpahinga ay ilan minuto lamang at ang pagod pa nila ay walang nakukuhang sahod na pera.

Ngunit may iilan din na asawa na ang tanging nakikita lamang nila ay ang kanilang pagod sa trabaho sa labas at minsan iniisip nila na madali lang ang trabaho ng isang stay at home parent.

Gaya na lamang ng isang lalaki na mula sa Thailand na nagbahagi kung paano niya naisip kung gaano kahirap ang trabaho ng isang stay at home na asawa upang maalagaan ang kanilang anak, gawain bahay at kung anong pahinga na lamang ang nagagawa nito maghapon.

Ibinahagi ng lalaki ang isang screenshot na kuha sa CCTV sa kanilang bahay. Ayon sa kanya ay gusto nito makita ang mga footage upang makita kung ano ang ginagawa ng kanyang asawa at anak.

Matapos ang pagmamasid ay bigla niya napagtanto na hindi tumitigil ang kanyang asawa sa mga gawain bahay sa loob ng isang araw at hindi rin nito magawang magpahinga.

“I can’t express my gratitude enough for my wife’s sacrifices. Thank you for taking such good care of our child.”

“People who go out to work complain about feeling exhausted when they come home. They think that their wives have it easier or do nothing at home. Change your mindset, because taking care of a child at home is not easy. I think our jobs outside are not even half as exhausting as our wives.”

Pinaalalahanan din ng lalaki ang ang ilan kalalakihan na may asawa na hindi dapat isipin na madali ang ginagawa ng kanilang asawa kahit nasa bahay lang ito.

Maging aral din sana ito sa mga kalalakihan na ang isang asawang nasa bahay lamang ay hindi madali ang trabaho dahil walang oras na nagpapahinga sila, walang sinasahod at walang breaktime.

Loading...
Tags: