Matapos tulungan ang mga kaibigan na Pinoy, Dayuhan pinabayaan hanggang maubos ang pera

Loading...

Hindi kaila satin mga Pilipino na ang isang paraan para tayo ay makaahon sa hirap ay makapangasawa ng mga banyaga o foreigners lalo na para sa mga pinay.

Dahil alam naman natin na pagsinabing foreigners ay mayaman o may kaya sa buhay.

Ang Pilipinas ay nabibilang sa third world country, Kaya naman dito ay hindi kailangan ng marami kang pera kaya naman ang mga foreigners ay karamihan ay naghahanap dito ng mapapangasawa bukod sa masipag na ay maaalalahanin pa nga mga Pilipino.

Marami naman na foreigner ang nakahanap na tunay nilang mamahalin dito sa atin sa Pinas, Pero mayroon din naman na hindi pinalad tulad na lamang ng isang dayuhan dito sa ating kwento.

Kamakailan lang ay nag viral ang isang post sa social media account at kumuha ng atensyon ng marami ang post ng netizen na si Vengie A. Borromeo kasama ang isang naglilimos na foreigner.

Sa post na ito ni Borromeo marami ang nakabasa nito sa kanyang facebook account umabot ito ng 15,000 reactions, 7,500 commets at 45,000 shares sa ngayon.

Ayon sa post ni Borromeo, napansin niya ang isang foreigner na ito sa labas ng kanyang pinapasukan na trabaho na tila gutom na gutom, kaya naman agad niya itong binigyan ng pagkain.

Kwento nito na ang foreigner ay isang Amerikano at nagngangalang Micheal, saad ni Micheal na siya ay maraming kaibigan na pilipino at umano ay iniwan siya at sinaktan pa ng kanyang mga tinulungan dati.

Marami ang netizens na nalungkot sa nangyari sa foreigner. May isang netizen din na humiling kay Borromeo na sana ay kumpletuhin ang detalye ng foreigner katulad na kung saan ito makikita.

Mayroon din netizen na nagcoomment sa post ni Borromeo tungkol sa nawawalang foreigner na kamag-anak niya na ang pangalan din yan Micheal.

Paglabas ko ng work my nakita akong amerikano nagugutom sya at binigyan ko ng makakain.. his name is michael pero di…

Posted by Ven-gie A. Borromeo on Sunday, 13 January 2019

Loading...
Tags: