Lalaki namahagi ng 1kg na Harina, marami ang tumanggi ngunit may ilan na tumanggap kung saan may laman pala ito na P10,000

Loading...

Dahil sa kumalat at patuloy na kumakalat na nakam@matay na bayrus, ang mga tao sa ibat ibang panig ng mundo ay hindi maiwasang mabalisa sa pag-iisip sa kung anon a lamang ang mangyayari sa kanila kinabukasan.

Lahat ay nagiging kapos lalo naman ang mga taong walang trabaho, ipon at pagkain na makakain ng kanilang pamilya.

Ang iba ay umaasa na lamang sa mga bigay at ang iba ay nag mamatigas pang magtrabaho para lang may kainin ang mga ito.

Kadalasang ipinapadalang mga relief ay bigas, instant noodles, kape, gatas, de lata at iba pa. ngunit ang sikat na Indian Actor na ito ay mayroong kakaibang naisip na pagtulong.

At sa paraang ito, mas nakita niya at nabigyan lamang niya ang mga taong talagang nangangailangan.

Siya ay si Aamir Khan. Maganda ang nagiging imahe niya sa industriya ng pag aartista. Sa kalagitnaan ng unos, naisipan niyang magpamahagi ng biyaya na kung saan walang sinuman ang nag aakala.

Nagpadala si Aamir ng mga truck na punong puno ng tig 1kg ng harina sa Delhi.

Maaaring ang iba ay nag tataka kung bakit harina lamang ang nakayanang ibigay ng isang sikat na aktor.

Dahil nga hindi nila maipaliwanag kung bakit, tanging ang mga tunay na walang wala lamang ang nanguha nito at maski papaano ay may maihain sa hapag.

Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon palang kasamang 15,000 rupees o P10,000 ang nakapaloob sa harina.

Dahil dito, mas nakampante ang aktor na ang kaniyang mga nabigyan ng harina at pera ay ang mga taong walang wala talaga at hindi ang mga mapagsamantala.

UPDATE: 

Pinabulaanan naman ito ng Aktor na si Aamir Khan na hindi daw siya ang lalaki na nagbigay ng harina na may laman na pera. Ayon din sa kanya kung ito man ay peke o kung sino man ang gumawa ng kabutihan na ayaw magpakilala ay mag-ingat palagi.

Loading...
Tags: