May-ari ng bahay, hindi pinabayaran ang tatlong buwang upa (P6,000 monthly) ng tenants, nagbigay pa ng isang sakong bigas bilang dagdag tulong

Loading...

Likas nga na matulungin ang mga Pilipino pag dating sa mga ganitong krisis o sakuna.

Mayroon pa ding mga tao na mas inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa isipin ang sarili at perang dapat sana ay kikitain sa mga negosyo.

Ang tenant na si Marron Leynes ay hindi napigilan ang galak dahil sa kabutihang loob ng may ari ng bahay na kanilang inuupahan sa Lipa, Batangas.

Simula nang ipatupad ang enhanced c0mmunity quar@ntine, nagsimula na din ang mga patong patong na problemang kinakaharap at hirap na din sap ag hahanap ng mapag kakakitaan.

Ayon kay Marron, tatlong buwan nang hindi naniningil ng upa ang may- ari ng bahay bukod pa doon ay nag padala pa ng isang sakong bigas na talaga namang malaking tulong din sa kanila.

“After kong ibigay ang bayad, nag-chat sa akin yung anak from Italy na ibabalik daw sa akin ang ibinayad ko. After a few hours, may bigas pa na ibinigay,” saad niya.

“Pangatlong buwan na nilang hindi nagpapabayad ng renta (P6,000 monthly) sa pitong pinto. Malaking kawalan sa negosyo nila pero nagawa pang magbigay ng ayuda.” Dagdag pa niya.

Ibinahagi din niya na nito lamang nang pumanaw ang padre de pamilya ng may- ari kaya naman nag bilin itong bigyan ng tulong ang mga nangungupahan sa kanilang bahay.

“Hindi ba’t napakabuti? Ang saya mo siguro ngayon sa langit, Ka Cesar. Kapost-post naman talaga ang mga ganitong tao,” pahayag ni Marron.

Loading...
Tags: