Kilalanin ang Mayora ng Tarlac na si Donya Tesoro ang nirereto ngayon kay Mayor Vico Sotto dahil sa sipag at galing ng pamumuno

Loading...

Sa kabila ng mainit na usapan at bangayan, naroon pa din ang good vibes at kilig na hatid ng mga opiniyon ng mga Pilipino.

Dahil sa hirap na nararanasan ng mga mamamayan dito sa Pilipinas, nakikita ang mga kabutihang taglay ng mga namumuno sa atin.

Kagaya na lamang ng Pasig City Mayor na si Vico Sotto na talaga namang hinahangaan ng masa. Bukod sa angkin nitong kabutihan ng loob ay naroon din ang pagiging magandang lalaki.

Ngunit tila may kulang sa kaniya, iyon ay ang magiging katuwang niya sa hirap at ginhawa. Dahil na nga walang panahon si Mayor Vico, ang mga netizens na ang mismong naghanap ng babaeng perpekto sa kaniyang pagkatao.

Siya ay ang batang alkalde ng San Manuel Mayor Donya Tesoro. Ang kaniyang pangalan ay Dona Cresencia R. Tesoro na mas kinikilala at tinatawag na ‘Donya’.

Taong 1991, ika- 5 ng Abril nang siya ay ipinanganak. Dati namang Mayor ng Tarlac ang kaniyang ama na kasalukuyang Vice Mayor ng lugar na ito.

Nagtapos siya ng pag aaral sa O.B. Montessori Center Inc. sa Greenhills, San Juan. Ngunit hindi dito nagtatapos ang kaniyang pag aaral.

Nagdesisyon siyang manguha ng master’s degree na Public Administration sa Ateneo de Manila University.

Nitong nakaraang taong 2019, nang siya ay tuluyang naihalal bilang Mayor ng kanilang lugar sa San Manuel Tarlac.

Bago pa iyon ay naging councilor at vice mayor muna siya ng Tarlac. Sa kasaysayan, si Donya ay isa sa pinaka batang naihalal na Mayor sa buong Luzon.

Hilig din nito ang maglibot sa labas ng ating bansa kagaya ng bansang Italy at Paris.

Maraming taon na din ang ginugol ng kanilang pamilya sa serbisyo sa publiko kaya naman napalapit na ito sa ating Pangulo Rodrigo Duterte.

Ayon sa kaniyang mga nasasakupan, ay talaga namang napakabait at napakaganda sa personal ng Donya.

Araw-araw naglilibot si Mayor Donya sa kanyang nasasakupan upang makasigurado ang kaligtasan sa kanilang lugar.

Hindi malabong i-ship sila ng mga taga hanga din ni Mayor Vico Sotto dahil pareho nilang taglay ang galing sa pamumuno ganon na din ang kanilang pisikal na itsura.

Samu’t sari ang nagkalat sa social media na talaga namang botong boto sa kanilang dalawa.

Loading...
Tags: