Invisible Challenge: Netizen may babala sa mga nagnanais gumawa ng Challenge na ito sa Tiktok

Loading...

Patok ngayon ang social media app na Tiktok upang maging libangan ng mga tao dahil maraming nakatutuwang imahe, sounds at graphics ang makikita dito.

Matanda o bata man ay gumagawa na rin ng Tiktok videos dahil nakakabawas ng stress at talagang hindi maikakaila na nakalilibang naman talaga.

Nailalabas din ang talento sa pagkanta, pagsayaw o pag-arte ng mga gumagawa ng Tiktok videos kahit sa maikling oras lang.

Ngunit isang netizen ang nababahala at nagbigay ng babala sa marami na huwag balakin gawin ang invisible challenge.

Ayon sa netizen na si Ann Gabrielle Sampedro Lasam ang lahat ng mga bidyo sa TikTok ay napupunta sa kanilang server o database kasama na rin daw ang mga unfiltered na mga video.

Iginiit niya na alarming at hindi tama ang paggawa ng invisible challenge dahil baka hindi natin alam na may ibang tao na pala ang nanonood sa kanila na akala nila ay personal lamang na bidyo ito.

Ayon pa kay Lasam, mas delikado pa ito na kung bata ang mga gagawa kung saan maraming bata na rin ang nawiwili sa Tiktok.

Nagbigay ng payo din si Lasam na dapat ay basahin muna ang agreement ng Tiktok bago gumawa ng account sa nasabing socmed app na ito dahil may nakalagay na ang pagbibigay ng user ng consent kay Tiktok na pagmamay-ari na niya lahat ng video na ini-uupload.

Sa madaling salita ay walang habol ang sinuman kung sakali magkataon na kumalat ang kanilang video kahit hindi pa ito sa Tiktok.

Dagdag pa ni Lasam, walang masama mag-Tiktok pero dapat ay mag-ingat na lamang sa mga ini-uupload na video hindi lamang sa Tiktok maging sa ibang mga socmed accounts.

To all my friends who are using tiktok app, beware of the NAKED INVISIBLE CHALLENGE, try ko tagalugin ha para mas…

Posted by Ann Gabrielle Sampedro Lasam on Monday, 30 March 2020

Loading...
Tags: