Delivery Food Rider, nanlumo at kinain na lang ang pagkain na kinanselang order mula sa customer

Loading...

Dahil sa ipinatupad na enhance community quarantine ngayon sa ating bansa at lockdown, nahihirapan ang mga taong lumabas sa kanilang mga bahay upang mamili ng kanilang mga makakain at mga kakailanganin.

Maging sa mga negosyo ay gayun din. Ang iba ay nagsara at ang iba naman ay nagpatuloy. Kagaya na lang ng iba pang mga fastfood chain dito sa Pilipinas.

Tanging mga delivery boy ang inaasahan natin na magdadala ng pagkaing inorder natin sa online.

Ngunit sana ay isipin din natin kung anong klaseng sakripisyo ang kanilang ginagawa upang kumita ng pera at para magawa ng maayos ang kanilang trabaho.

Kagaya na lamang ng nag viral na post na si Yenyen Catiloc na siya mismo ang naka ranas ng hirap bilang isang delivery rider.

Siya ay isang Grab Food Rider na noon ay naka upo sa labas ng building. Hindi lang ito nagpapahinga kung hindi ay kumakain ito ng pagkaing mula sa isang fast food chain.

Makikita sa larawan na ang rider ay tila ba nagpupunas ng kaniyang luha. Ngunit ayon sa kaniya, hindi naman daw siya umiiyak bagkus ay pagod lang siya sa kaniyang traabaho.

Madami ang nagsasabi at nakakapansin na tila ang pagkain iyon ay isang order na kinansela ng isang customer. Ayon sa Filtimes, isang netizen naman ang nagpatotoo na kinansela nga ng customer ang kaniyang order sa Grab Food at nagkakahalaga ito ng halos P300.


Isa pa sa kaniyang sinabi ay sagot naman daw ng kumpanya ng Grab Food ang mga nakakanselang order ngunit malayo ang opisina at basta basta ang proseso para maibalik agad ang ipinaluwal ng rider.

Hindi lamang ang kwento ni Yenyen ang nagiging problema ng mga delivery riders, kagaya niya may iba din siyang katrabaho na may kaparehong karanasan.

Bilang isang indibidwal, dapat nating ikonsidera ang ating kapwa. Kaya naman, maging mapanagutan tayo sa mga desisyon na ating dapat gawin.

Loading...
Tags: