Ama na nagbebenta ng Banana Cakes sa kalsada karga ang kanyang anak, ang dahilan ay umantig sa puso ng mga netizens

Loading...

Isang ama ang trending sa socmed dahil sa pagbebenta nito ng Banana Cakes upang maka-ipon ng 1.6 million pesos para mapagamot ang kanyang anak.

Sa Facebook page ng LITRO Babies Philippines, Inc ay ibinahagi ang larawan ng isang ama na karga ang kanyang anghel habang nagbebenta ito ng banana cakes.

Ang netizen na si Jenny Sumalpong ang nagbahagi ng larawan at sinabi nito sa kanyang caption na siyang nakaantig sa kanyang puso.

 

Ang ama na ito ay nagpupursigi na makabenta para mapagamot ang kanyang anak. Tunay na pagmamahal ng isang ama para sa kanyang anak.

Hinikayat ni Jenny ang mga netizens na ibahagi ang larawan ng tatay na ito upang maraming tao ang tumulong at mag-abot para sa kanyang anak.

Ayon naman sa ama na sana ay bumili at tangkilikin pa ng ibang tao ang kanyang paninda upang makadagdag sa kanyang iniipon para sa anak.

 

Naipalabas na din ito sa isang telebisyon na Kapuso Mo, Jessica Soho na ang sabi na isang ama ang kumakatok sa puso ng lahat.

Nagbebenta siya sa gilid ng kalsada na kinakailangan makalikom ng 1.6 milyon pesos na halaga para para sa kanyang baby na si Aki.

Dahil oras ang kanyang kalaban kailangan niya lahat gawin upang mailigtas ang kanyang baby Aki.

Ito talaga ang patunay na pagmamahal sa anak lahat ay gagawin upang maligtas ito at mapabuti ang kalagayan.

Marami naman netizens ang patuloy na tumutulong dito at nagbigay ng iba pang pangangailangan ng mag-ama na talagang naantig sa kwento ng ama na ito.

Loading...
Tags: