Babaeng Online seller, hindi inakalang kikita dahil sa mga benepisyong dala ng tuyong dahon sa kaniyang bakuran

Loading...

Sa araw araw na pamumuhay, madami sa mga paligid ang hindi natin inaakala na posible pala. Ang bawat paglipas ng panahon, mayroon at mayroon tayong matutuklasan.

Minsan naman, mayroong naiimbento na maaari pala nating magamit upang mapagkakitaan.

Kung ano man ang mayroon sa mundong ginagalawan natin ngayon, lahat iyon ay may paggagamitan.


Kagaya na lamang ng isang ginang na ito na hindi inakala na ang tuyong dahon ng talisay ay isa sa makapag papagaan ng kaniyang buhay.

Ikinuwento ng online seller na si Kerwin Anne Reyes na ang dating inaakala niyang mga kalat na nailalaglag ng puno ng talisay ay may kabuluhan pala.

Noon daw ay may parating nagpapaalam sa kaniyang kung puwede bang mamulot sa kanila ng tuyong dahoon ng talisay.

Dahil naman inisip niya na wala naman itong maidudulot sa kaniya, agad niya naman itong pinahintulutan.

Hindi nagtagal ay nalaman niya na ang tuyong dahon pala na ito ng Talisay o ang tinatawag na sunbaked Talisay leaves ay nakatutulong sa pagpapalaki ng mga betta fish o Siamese fighting fish.

Ang halaga pala nito ay nasa P3,000 hanggang P15,000. Ang isdang ito ay may iba’t ibang kulay na may mahahabang buntot.

Nakatutulong din ang mga dahong ito upang mabilis na makapag breed ang mga isdang nasabi.

Ibinebenta ni Kerwin Anne sa tulong ng online at social media. Ibinebenta niya ang mga tuyong dahoon na ito sa halagang P49 sa kada sampung piraso.

Loading...
Tags: