Ipa-prank sana niya ang kanyang Ina ngunit iba ang nangyari kaya maraming netizens ang napaiyak

Loading...

Walang katumbas talaga ang pagmamahal at yakap galing sa ina. Kapag ang Ina ay umiyak o makita ang kaligayahan ay tagos sa puso talaga.

Minsan ang simpleng mapangiti pa lang natin ay walang katumbas na kaligayahan na. Ang Ina din ang siyang nagdala sa atin sa kanilang sinapupunan at maraming sakripisyo ang kayang gawin para sa mga anak.

Katulad na lang sa video na ito, ang gagawin niya ay ipa-prank niya ang kanyang Ina pero nauwi ito sa isang madamdamin na pangyayari.

Sa Video ni Jeff Laurenio, Kadarating pa lang ng kanyang Ina galing sa pamimili para sa kanilang kakainin para sa salubong para sa Christmas.

Hindi mapakali sa Jeff at kinuha ang kanyang regalo na ibibigay sa ina, subalit ang kanyang Ina ay hindi makapaniwala sa una dahil ang regalo na ibinibigay ni Jeff  ay sa kuya daw niya pero iginiit ito ni Jeff na sa kanya ang regalo para ibigay ito sa kanyang ina.

Sa kalagitnaan ng video ay tinanggap ng kanyang ina ang regalo at binuksan. Pagkabukas ng kanyang regalo ay laking tuwa at ang ganda ng ngiti ng kanyang ina na hindi mapapantayan ng kahit anong materyal.

Maraming netizens ang tumulo ang luha nung niyakap na niya ang kanyang anak dahil sa kaligayahan na nararamdaman. Naiyak din si Jeff  dahil dapat ay ipa-prank niya ang kanyang ina pero nauwi sa isang napakasarap na yakap mula sa una na siyang nagpatulo ng luha kay Jeff at sa mga manonood.

Ang naging caption ni Jeff sa kanyang video para sa ina ay:

“Yung i pprank mo sana si MAMA, pero ganto ang nang yare ❤️?

PS: Merry Christmas Mama, first time ko makaramdam ng gantong yakap mula sa Mama ? Sobrang MAHAL NA MAHAL KITA. Thankful ako ksi meron akong ikaw ❤️ ❤️”

Dapat ay mahalin natin ang ating Ina at tayo naman ang magpasaya sa kanila. Dapat din natin ay alagaan sila dahil sa mahabang panahon tayo ay kanilang inalagaan at maraming sakripisyo ang ginawa sa atin mga Anak. Ang sabi nga sa katagang “Ang anak ay kayang tiisin ang magulang, pero ang Ina ay hindi kayang tiisin ang kanyang anak.”

Loading...
Tags: