Pulubi, ibinigay ang huling tatlong piso niya sa namamalimos din, binigyan ng sorpresa sa dahil sa kabutihan

Loading...

Ang vlogger na si Jose Hallorina ay nakilala sa kanyang mga social experiment tungkol sa mga simpleng tao na makikita sa lansangan.

Madalas ang vlogger na si Jose Hallorina ay mas binibigyan niya ng sorpresa at tinutulungan kung sino ang magpakita ng kabutihan at kagandahang asal.

Sa kanyang bagong video na inilabas, isang matandang pulubi sa Quezon City ang kunwari na hihingian niya ng tulong.

Nagpanggap si Jose na isang pulubi na kung saan nangangailangan siya ng pera para makompleto ang kanyang pamasahe. Nanghingi siya sa isang matanda ng piso upang pandagdag sa kanyang pamasahe upang makauwi na sa Pangasinan.

Ayon sa matanda ay tatlong piso na lang daw ang kanyang pera. Ibinigay ito kay Jose dahil hindi naman daw problema sa kanya ang kaunting salapi dahil may nagbibigay naman daw ng pagkain sa kanya na mas mahalaga para sa matanda.

Nakilala ang matandang pulubi na si Tata Rodolfo. Hindi nagdalawang isip ibigay ang tatlong piso na natitira sa kanya para sa vlogger na si Jose. Piso lamang daw ang kanyang hiningi ngunit ibinigay na kusa at bukal sa kalooban ng matanda na ibigay ang tatlong piso sa kanya.

Ayon sa vlogger, ang tunay na mayaman daw ay si Tatay Rodolfo dahil ito ay may kabutihan pus0 at kalooban. Naantig si Jose at siya ay natuwa sa matanda kaya binigyan niya ito ng limang libong piso na hindi makapaniwala.

Binigyan din niya ng make-over ang matanda. Pinaligo si tatay at pinagupitan na halos limang taon na din hindi nakakapunta sa barbero upang magpagupit. Binihisan din niya ang matanda at pinakain sa isang restaurant.

Sa halagang tatlong piso na ibinigay ni Tatay ay malaki ang bumalik sa kanya. Basta mabuting tao ka talaga ay gagatimpalaan ka.

Nagulat din ang mga netizens sa malaking pagbabago ng matanda dahil makikita ang maamong mukha ni tatay Rodolfo na hindi mo iisipin na isang palaboy.

Maraming netizens ang hinangaan si Tata Rodolfo. Minsan daw ay kung sino ang walang-wala ay sila pa ang nagnanais tumulong. Marami rin netizens ang gustong magpaabot ng tulong sa matanda.

 

 

Loading...
Tags: