Netizens naantig sa Balut vendor na patuloy pa din sa paglalako at nagbabakasakali makabenta kahit walang tao sa kalsada

Loading...

Sa hirap ng buhay sa Pilipinas, gagawin mo ang lahat para lang kumita, may maipang bayad at maipambili ng makakain ng iyong pamilya sa araw araw.

Sa pagpapatuloy ng community quarantine, naipatupad ang lockdown maging ang curfew na mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga sa buong Metro Manila.

Dahil nga sa mga patakarang ipinatupad, takot na ang mga tao na lumabas sa kani- kanilang bahay.

Ngunit isang netizen na mula sa Malabon ang nag post ng larawan na kung saan ang balut vendor ay tila nagbabakasakaling may bibili pa sa kaniya.

 

Makikitang malinis na ang kalsada dahil walang sasakyan na padaan-daan at taong naglalakad man lang at ang tanging ang nasa kalsada lamang ay ang matandang naglalako ng paboritong balut.

Ang netizen na si Jon Erwan Delos Reyes ang kumuha mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at ang nagpost ng larawan sa kaniyang Facebook account na nagsasabing;

“Alam ko hihina benta ni tatay pero salute sa balut vendor na to kahit wala nang tao ng ganitong kaaga 8:29pm lako pa din siya… god bless sau tatay,” 

Maraming netizens ang nakakita at naawa sa kalagayan ni tatay narito ang kanilang ga pahayag.

“Saan to, sa mga nakakakilala. Maybe you can share some face masks and alcohols also to inform tatay about what’s happening.”

“Ito yung mga labis na maapektuhan yung kumikita sa pagtitinda araw-araw para makakuha ng pangkain o panggastos araw-araw. Paano na lang sila?”

“Ramdam ko hirap na hirap na ako pero nakita ko to. Nakakahiya naman sa kanila, puro ako reklamo pero sila hayssss. Sana maging okay na talaga.”

“Pag may naririnig ako ganyan na dumadaan samin bumibili agad ako. Para atleast papano makatulong din.”

Loading...
Tags: