Netizen, tumulong sa mga naapektuhan na mga Homeless at sa mga asong nasa kalye

Loading...

Dahil sa enhance community quarantine, ang mga mamamayan ng Pilipinas ay naghanda sa magiging quarantine kung kayat nagsibilihan ang mga ito ng mga supplies kagaya ng mga pagkain at alcohol.

Dahil sa mga pangyayari, isang netizen ang naging inspirasyon ng lahat dahil sa kanyang pagtulong sa mga mahihirap na sa kalye lamang natutulog. Dagdag pa rito ang mga asong nagugutom sa mga kalsada.

Isang netizen ang hindi nagdalawang isip na tumulong sa mga homeless at mga hayop na nasa kalye kahit na sa kalagitnaan ng pangyayari na ito alam natin lahat na kahit sa sariling pamilya ay kailangan din natin ng sariling makakain.

Ngunit ang netizen na ito ay handang tumulong kahit siya ay nangangailangan din ngunit labis ang kanyang pag-aalala lalo na sa mga homeless na labis na nangangailangan.

Ang pangalan niya ay Celli Sales Mercado, ang mabuting samaritana na tumulong sa mga madaming homeless at mga aso na nasa kalye.

Binigyan niya ito ng mga pagkain at mga relief goods. Malaking tulong ito sa mga tao at naipapakita dito ang malasakit niya sa kapwa.

Inilahad ni Celli Sales Mercado ang kanyang ginawa upang maging aral at maging inspirasyon ng bawat netizen na tumulong din sa kapwa na nangangailangan.

Narito ang nilalaman ng kanyang post sa Facebook:

“Kung mayaman lang ako kahit araw araw kong gawin to ang lungkot lang na may makita ka sa lansangan na ganito habang may kumakalat na sakit please Lord guide them.

Deuteronomy 15:11

“There will always be poor people in the land. Therefore I command you to be openhanded toward your fellow Israelites who are poor and needy in your land.”

We cannot do all the good that the world needs, but the world needs all the good the we can do. So please help those in need.

Thank you ate Abby Gail for teaching us compassion and kindness. For being a good role model. That’s why you are so blessed because you are a blessing to others, lalo na sa mga aso at pusa hahaha. share mo lang always blessings mo. Let’s multiply kindness.”

Loading...
Tags: