Nag-umpisa sa Chat noon 2017, Naging LDR 2018, Nauwi sa Kasalan nitong 2019

Loading...

Ang tadhana ay talagang nakalaan sa dalawang taong nagmamahalan na kahit anong gawin hadlang o pagsubok ay malalagpasan ito hanggang sa dulo ay kayo pa rin dalawa.

Minsan sa pagmamahalan ay may mga pagsubok na susubukin kung hanggang saan ang inyong itatagal.

Madalas naman kapag ang tadhana ang gumawa ng paraan wala sa tagal, panahon, lugar o pangyayari basta kapag dumating ang tamang tao para sayo mararamdaman mo na lang yun ng walang alinlangan.

Gaya na lamang ni Kate Garcia-Axalan at Gian Arlo Axalan. Nag-umpisa sila sa isang simpleng emoji na wave sa isang chat sa messenger noong December 6, 2017 at di kalaunan ay nagpakasal din nitong December 6, 2019 lamang.

Ayon kay Kate Garcia-Axalan, nag-umpisa ang kanilang pag-uusap sa Facebook messenger kung saan simpleng ‘Wave emoji’ ang kanilang paunang bati sa isa’t isa.

Dagdag pa ni Kate, hindi raw sila magkakilala sa personal o hindi man lang nagkita pa. Matapos nun ay palagi na sila mag-kausap hanggang sa maramdaman na may pagmamahal sila sa isa’t isa at naging long distance relationship (LDR) dahil si Gian ay nasa Italy at si Kate ay nasa Pinas.

Umuwi si Gian sa Pinas noong May 2018 at sila ay nagkasamang dalawa. Sa ikli ng panahon nilang magkasama ay talagang daig pa ang mahabang panahon dahil sa maraming pangyayari ang naganap na yun.

Dahil sa kanilang pagmamahalan at ipinakita ni Gian kay Kate na kahit malayo sila sa isa’t isa ay pinapatunayan nito kung gaano niya kamahal si Kate kaya noong June 22, 2018 ay nag-proposed si Gian kay Kate.

Matapos mag-proposed ni Gian kay Kate, Bumalik ito ng Italy kung saan isang pagsubok ang kanilang pagdaraanan. Naging Long distance relationship (LDR) sila sa loob ng 17 months.

Alam naman natin na bihira ang may nagtatagal sa LDR ngunit itong si Kate at Gian ay talagang pinanghawakan ang kanilang pagmamahalan kung saan nalagpasan nila ito ng buong tapang, pasensya, tiwala sa isa’t isa at tunay na pagmamahal.

Umuwi si Gian sa Pinas noong November 7, 2019 kung saan pinagplanuhan nila ang kanilang pagpapakasal.

December 6, 2019 araw na sila ay ikinasal kung saan kaparehong araw din sila na nag-umpisa magpalitan sa Chat ng isang ”Wave emoji”.

Ang Kasal ay isang magandang regalo para sa mga taong magkarelasyon.

Sa pagmamahalan ay hindi puro saya ang inyong isipin, isipin niyo kung paano nyo malalagpasan ang mga pagsubok na inyong mararanasan. Kung kayo ay LDR hindi dahilan upang maghiwalay. Kung kayo ay nag-aaway hindi rin dahilan upang iwanan ang isa’t isa. Lahat ay madadaan sa pag-uusap at intindihin ang isa’t isa.

Trust me! May hiwaga sa loob ng emoji na WAVE ??It all started last December 06, 2017 and ended with I do’s last December 06, 2019 ❣️See you again nextyear Hubs! #confisKATEdbyGIAN#TeamLDR

Posted by Kate Garcia Axalan on Monday, 3 February 2020

Dahil ang mga pagsubok ay nag-uumpisa sa tampuhan, away, hindi pagkakaintindihan at malayo sa isa’t isa. Gaya na lamang ng magkasintahan na ito, sinubok ang lahat bagamat nilagpasan nila ito kaya ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa isang Kasalan.

Ito ay isang aral din sa lahat ng magkarelasyon na hindi porket malayo sa isa’t isa ay tatapusin ninyo ang inyong relasyon, dapat ay maging matibay kayo lalo na kung nagtagpuan nyo na ang taong para sa inyo.

Iba talaga ang saya ng puso mo pag natagpuan mo na ang taong para sayo.Pero hindi lahat saya dahil kelangang…

Posted by Gian Arlo Axalan on Tuesday, 4 February 2020

Nakakahanga ang relasyon at pinagdaanan ng magkasintahan na ito. Nawa’y mag-usbong pa ang inyong pagmamahalan at malagpasan ang lahat ng inyong problema sa buhay na darating at pagsubok na tatahakin.

Loading...
Tags: