Japanese Cake na may iba’t ibang klase na palaman na ibinebenta na swak sa budget, viral ngayon sa socmed

Loading...

Sikat na sikat sa Pilipinas ang mga murang street foods kagaya ng isaw, balut, fishball, kikiam, fried siomai, palamig at iba pa.

Sa paglipas ng panahon mayroong mga iba pang nauusong mga pagkain na makikita natin sa kalsada.

Isa sa dahilan kung bakit tinatangkilik ang mga ito dahil sa kanilang abot kayang mga presyo. Sa murang halaga, mabubusog ka na.

Isa din ito sa mga dinadayo ng mga turista at mga kilalang vloggers para maging content ng kanilang videos na taste test o kaya man ay mukbang.

Kaya naman, ang mga streetfoods ay talagang pantawid gutom at meriyenda ng masa.

Pamilyar ba sa iyo ang Japanese cake? Ito ay kabilang na sa streetfoods ng Pilipinas na gawa sa mga kaniya kaniyang timpla ng hotcake mix, tubig at may palaman na iba’t ibang flavors. Maaaring ube, chocolate, cheese at iba pa.

Isang litrato ang ishinare ng netizen na si Arabelle Alfeche Trinidad na kung saan ang mga Japanese cake na ito ay kakaiba sa mga naibebenta sa kalsada. Sapagkat ang mga palaman o ang mga flavors nito ay hindi basta basta. Mga imported at branded chocolates ang nakapaloob dito.

Bukod sa mga nakakatakam na flavors, hindi ka na mamombroblema sa iyong budget pagkat hindi ito nakakabutas ng bulsa.

Ang Kit Kat, Nutella, Mallows at Cadbury flavor ay nag kakahalagang 15 pesos. Ang Oreo naman ay 12 pesos at ang dalawang pinaka mura ay ang Flat Tops at Bonggang Cheese ay nagkakahalagang 10 pesos.

Sino ba naman ang hindi mapapabili hindi ba? Sabi nga ng netizen na si Arabelle sa kaniyang caption, ’’ S/o dun sa Japanese Cake stall sa tapat ng department namin. Sana magkaroon din ng ganito para lahat masaya. Hahahahaha’’

Loading...
Tags: