Isang anghel na rider ng pagkain, binigyan ng makakain ang matandang natutulog sa tabing daan na ikinaantig ng publiko

Loading...

Sa problema ng ating bansa ay ang mga kapwa natin na walang permanenteng tirahan, marami tayong mga kapwa pilipino na walang sariling bahay at isa ito sa nakakaapekto sa ekonomiya ng bansa.

Ang iba ay kung saan saan natutulog ang iba ay sa tabi ng kalsada at ang iba naman ay nasa ilalim ng tulay kasama ang kanilang mga pamilya.

Matitiis ba natin silang nakikita na nilalamig at nagugutom sa tabi ng kalsada? Ayon din sa ibang netizens na kung sila lang ay nakaluluwag ay maaari nila matulungan ngunit ang iba naman ay wala din sapat na kakayahan upang matulungan ang mga may ganitong sitwasyon.

Ang isang pulubi at walang matirahan ay nakikitang natutulog sa tabing daan na ang tanging mayroon lang ay ang bubong bilang kaniyang silong tila ba siyaý gutom na gutom.

Nakita siya ng isang napaka bait na Food Panda Rider na para bang anghel na bumaba sa langit upang bigyan siya ng pagkain nang walang hinihiling na kahit anong kapalit.

Sa larawan na i-shinare ng Facebook page na We are Malaysians, nasaksihan ng isang netizen ang kabaitan ng isang Food Panda Rider sa Kuala Lumpur, Malaysia habang na- stuck sa traffic.

Narito ang kaniyang caption;

FoodPanda rider He is sending free Breakfast for him. #FoodPanda

Agad namang nagviral ang post sa tulong ng social media at nagpasalamat naman ang mga netizens na nakakita sa FoodPanda Rider na hindi na pinangalanan na nag bigay ng pagkain sa isang matandang walang matuluyan at sa malamang ay walang makain sa araw araw.

Hindi din malaman kung ang pagkain na ito ba ay inorder ng isang customer na na- cancel o talagang namili siya ng extra para ibigay sa matandang ito.

Makikitang inilagay lang ng Food Panda Rider ang pagkain sa tabi ng matanda at hindi niya na ito ginising upang tuluyang makapag pahinga ng maayos.

Loading...
Tags: