Netizens nagulat at namangha sa hand writing ng isang estudyante na tila mala-typewritten ang hitsura at napakagaling pa mag-balance

Loading...

Ang pagsusulat ay isa sa madalas gawin ng estudyante sa eskwelahan. Madalas sa sobrang pagmamadali nila magsulat ay hindi na maintindihan ang kanilang sulat.

Ngunit may iilan estudyante pa din na ang kanilang sulat ay mamamangha ka talaga dahil bukod sa napaka-ayos ay napakalinis pa tignan.

Gaya na lamang ng isang sulat ng estudyante kung saan ipinagmamalaki ng isang guro ang kanyang estudyante dahil sa penmanship nito.

Isang estudyante ngayon ang naging usap-usapan sa social media dahil sa kanyang sulat kamay na tila isang computerized ang hitsura dahil pantay-pantay ito at napaka-ayos.

Ibinahagi ng isang guro na si Rexy Anne Banez ang malinis na penmanship ng kanyang estudyante na si Renato Jumawan Jr na accountancy student.

“Flexing my student’s amazing penmanship. Mura jud ug gigamitan ug typewriter (Parang ginamitan talaga ng typewriter). Mapapa-sana all ka na lang,” ayon sa post ni Banez.

Maraming netizens naman ang namangha dahil hindi mo mahahalata na ito ay isang sulat lamang dahil sa sobrang ganda at linis pagmasdan.

“Sana all maganda penmanship at maiintindihan. Sakin minsan daig pa kinahig ng man0k ang hitsura.”

“Ang nice naman! Sana ganyan din ung pagsusulat ko. Kahit ako mismo hindi ko maintindihan ang sulat ko eh.”

“Ang sarap mag-check kapag ganito ang makikita ng guro sa kanyang estudyante. Pinatunayan niya na accounting is an art.”

“Yung ang ganda na ng sulat mo tapos na-balanse mo pa yung equation. Ikaw na kuya.”

Loading...
Tags: