Dahil sa kakapusan, imbis gatas ay kape ang ipinapainom sa sangg0l

Loading...

Maraming magulang ngayon na hindi nabibigyan ng tamang nutrisyon ang kanilang mga anak dahil hindi rin natin masisisi dahil sa hirap ng buhay ngayon at sa taas ng mga presyo ng bilihin.

Gaya na lamang ng senaryo na ito na pumukaw sa atensyon ng publiko kung saan ang isang pamilya ay kapos sa buhay dahil sa malaki ang gastusin sa araw-araw at magkano lamang ang kanilang kinikita.

Ang mag-asawa na sina Safiruddin at Anita ay kahit anong gawin na kayod araw-araw at nakakapag-uwi lamang sila sa halagang 20,000 Indonesian Ruppees na itutumbas ay 40-50 Pesos lamang.

Nagtatrabaho ang mag-asawa sa isang Coconut Plantation at hindi rin ganoon kaganda ang kanilang buhay kaya sa ayaw man nila ipainom ay kape sa kanilang anak, ito lamang ang kanilang tanging magagawa.

Dahil sa kanilang naiuuwi sa araw-araw na salapi ay hindi maiiwasan na kape na lang ang ipinapainom sa kanilang anak na imbis gatas. Hanggang kape lang ang kaya nilang bilihin sa kanilang kinikita.

Ang kape na kanilang ipinapainom ay isang mumurahin na Indonesian style coffee kung saan kailangan pa pakuluan ang coffee beans at hahaluan ng asukal para ang lasa ay hindi ganoon katapang.

Sa ngayon ay wala pa naman daw nakikita na problema sa bata kahit na kape ang kanilang ipinapainom simula noong ito ay anim na buwan pa lamang.

Sa loob ng isang araw ay higit sa limang tasa ng kape ang naiinom ng bata sa buong araw at sa gabi ay naglalaro ito dahil sa epekto ng kape sa kanyang katawan.

Dahil sa sitwasyon na ito ay nakuha ang atensyon ng opisyales ng Health Agency na puntahan ang pamilya na ito upang matignan ang bata at bigyan ng tulong tulad ng gatas at biskwit para sa bata.

Minomonitor din ngayon ng mga Local Social Welfare Officers ang kalagayan ng bata upang makasiguro na lumaki ito na walang karamdaman dahil sa pag-inom ng kapae nito.

Loading...
Tags: