Online seller, hindi malaman ang gagawin sa 17,000 hand sanitizers matapos ma-banned sa mga kilalang online shop dahil sa tripleng patong sa presyo

Loading...

Sa pagdaan ng mga araw, ang kaso ng COVID 19 sa iba’t ibang bansa ay lumalala. Mabilis ang pag kalat ng virus at sakit na ito kaya naman nag dodoble o triple pang-iingat ang mga tao sa buong mundo.

Ngunit may mga tao talagang mapagsamantala sa mga ganitong pag kakataon. Patagal ng patagal, parami ng parami ang mga nagbebenta ng mga proteksyon at panlaban sa virus at bacteria kagaya ng alc0h0l.

Ngunit hindi lahat ng sinuswerte sa umpisa ay mag tatagal hanggang sa huli. Kagaya na nga lang naman ng lalaking ito na hindi na tuluyang naibenta ang 17,000 sanitizers na kaniyang binili para ibenta online.

Dahil daw siya ay na banned na sa Amazon at eBay dahil sa presyo niyang kay layo sa katotohanan.

Nitong nakaraang buwan ng Pebrero, ang lalaking si Matt Colvin na 36 anyos taong gulang, dating Air Force Technical Sergeant at Amazon seller, naka ipon ng halos $ 90000 na tubo sa pag bebenta ng “pandemic packs”.

Mayroon pa siyang natatabing 2000 pandemic packs na kung saan nakuha niya sa mga hindi kilalang kumpanya na nabili niya sa halaga lamang na $ 3.50 kada isa.

Samantala. Ang pandemic packs na ito ay nagkakahalaga talaga ng $ 5 kada isa sa mga official stores.

Agad na ibinenta naman ni Matt ang mga iyon sa eBay na pinatungan ang presyo ng $50. Ang nakakapagtaka doon, “sold out” agad ang mga naturang pandemic packs.

Noong March 1, si Matt at ang kaniyang kapatid na si Noah ay naglibot sa kanilang lugar upang mamili at pumakyaw ng mga hand sanitizers na talaga namang pinuno ang kanilang sasakyang SUV.

Hindi pa sila nakuntento at dumayo pa sila sa Kentucky na 1,300 na milya ang layo sa kanilang hometown na Tennessee para lang mamili ng hand sanitizers.

Agad agad naman itong pinack ni Matt para maipost na sa Amazon at eBay habang ang kaniyang kapatid na si Noah ay patuloy na namimili pandagdag.

“The major metro areas were cleaned out,” sabi ni Matt

Sa unang araw ay naka benta sila ng halos 300 bottles ng sanitizers na nagkakahalagang $70 isa.

Dahil sa kawalan ng choice dahil nagkaubusan na nga sa mga groceries at iba pang puwedeng mabilhan, kaya napapabili sila kay Matt kahit na triple pa ang patong nito.

Dahil dito, siya ay na banned sa Amazon at eBay dahil hindi raw tinotolerate ang mga katulad niyang grabe mag patong ng presyo at abusado sa ganitong sitwasyon.

“It’s been a huge amount of whiplash. From being in a situation where what I’ve got coming and going could potentially put my family in a really good place financially to ‘What the heck am I going to do with all of this?’” caption ni Matt sa kaniyang post.

Matt Colvin in Hixson, TN bought 18,000 bottles of sanitizer before the shortage surrounding COVID-19. He admits to cleaning out stores in multiple states— intending to sell for profit on Amazon.Amazon took down his listings— he says he is considering donating the rest. His message tonight at 6 on WRCB Channel 3 Eyewitness News

Posted by Hunter Hoagland WRCB on Saturday, 14 March 2020

Loading...
Tags: