Mensahe ni Pope Francis sa lahat: “Huwag kalimutan ang mga mahihirap sa panahon ng krisis” umantig sa mga netizens

Loading...

Nagbigay ng paalala ang Santo papa na si Pope Francis sa televised niya na morning homily noong Huwebes, Marso 12, 2020 na ginanap sa may Casa Santa Maria, Vatican City.

Ayon kay Pope Francis na huwag kakalimutan ang mga mahihirap sa panahon na ganito lalo na’t nararanasan ngayon ng buong mundo ang C0VlD-19.

“Maybe we today, here in Rome, are worried because it seems that the shops are closed, I have to go buy that, and it seems that I cannot go for a walk every day, and it seems this… We forget those poor people who are on the borders of countries, looking for freedom” ayon sa mensahe ni Pope Francis.

Inihayag ng World Health Organization o WHO ang global C0VlD-19 0utbreak na ito ay isang pandemic noong Marso 11.

Naitakda ng Italian Prime Minister na si Giuseppe Conte ang iba’t ibang restrictions lalo na ang pagsasara ng ilan serbisyo tulad ng negosyo, restaurants, cafes sa buong Italya.

Ang tanging pakiusap ng Santo Papa ay huwag kalimutan at pabayaan ang mga batang nagugutom at walang masisilungan na maaari rin walang magagawa sa nangyayari at walang kapasidad na pambili ng makakain. Huwag din maging makasarili ang mga tao.

“This is what selfishness does in us: it makes us lose our real identity. We have fallen into the culture of adjectives where your value is what you have, what you can do.” dagdag pa ng Santo Papa.

Sa kasalukuyan, ang pinakamarami na naapektuhan ng C0VlD-19 ay ang Italya at sa iba pang bansa sa Europa.

“We continue to pray together, in this moment of pandemic, for the sick, for family members, for parents with children at home.” dagdag pa ng Santo Papa.

“But above all, I would like to ask you to pray for the authorities: they must decide, on measures that people do not like. But it is for our sake … We pray for our rulers who must make the decision on these measures that they feel accompanied by the prayers of the people” ayon pa sa mensahe ni Pope Francis.

Loading...