Babae na iniwan ng kanyang boyfriend, nakapagbawas ng mahigit 20kg na timbang at naging Flight Attendant

Loading...

Hindi maiiwasan ang ibang tao na maging mapanghusga sa kanilang kapwa kahit hindi nila lubusan kilala ang tao na kanilang hinuhusgahan.

Ngunit wala rin tao na gugustuhin na pagtawanan at husgahan sila sa kanilang pisikal na kaanyuan tulad na lamang ng isang senaryo na ito ng isang babae.

Isang naging inspirasyon ang babae na ito lalo na sa mga kulang sa lakas ng loob sa pagpapayat at nawawalan rin ng pag-asa na makamit ang kanilang pangarap.

Kilalanin natin ang babae na ito na si Que Huong ay 20 taong gulang na nagmula sa Vietnam na ibinahagi ang kanyang weight l0ss story.

Ayon sa dalaga napakalaki ng kanyang katawan noon at ang kanyang timbang ay hindi mapigilan ang pagtaas.

Nasa 75kg o 165 lbs ang kanyang timbang habang ang kanyang taas naman ay nasa 63 centimeters o 5’3 feet.

Dagdag pa niya, dahil sa kanyang panlabas na kaanyuan ay madalas siyang makaranas ng mga salita o pagtawanan kung saan man siya magpunta.

Madalas ay hinuhusgahan din siya sa kanyang pangangatawan gayon na rin ang kang hitsura lalo na sa height niya ay pinagtatawanan ang kanyang hitsura.

Ayon pa kay Que Huong may mga panahon din na mismong sarili niya ay hindi niya kayang pagmasdan sa salamin.

Minsan ay binabalewala na lamang niya ang paningin ng iba tungkol sa kanya subalit ay hindi rin niya maiiwasan ang mga naririnig patungkol sa kanya.

Ito rin ang dahilan kung bakit siya iniwan ng kanyang kasintahan. Nakita niya isang araw ang kanyang dating kasintahan na may kasama na bagong babae.

Ayon kay Que Huong, ang kasama ng kanyang boyfriend ay di hamak na mas maganda ang katawan at ang mukha ng babae ay talagang masasabi na maganda kung ikukumpara umano sa kanya.

Dahil sa kanyang naranasan ay ginawa niya itong motibasyon at inspirasyon para magbawas ng timbang at magkaron ng direksyon ang kanyang buhay.

Dahil sa laki ng kanyang timbang ay hindi masasabi na madali magbawas ng timbang. Sinimulan nito ang pagbabago sa kanyang sarili lalo na sa panlabas na kaanyuan at naging strikto sa sarili lalo na pagdating sa pagkain.

Makalipas ang ilan buwan ay naging maganda naman ang resulta at ang mga calorie sa kanyang katawan ay nabawasan.

Dahil din sa nakikita na magandang resulta ay ipinagpatuloy niya ang pagpupursige na kung saan ang kinakain na lamang niya ay isda, gulay at ilan mga karne upang mapanatili ang magandang resulta sa kanyang katawan.

Sa kanyang paghihirap na pinagdaanan ay nabawasan siya ng 18kgs na timbang na dati ay 75kgs na ngayon ay nasa 57 kgs na lang.

Ang kanyang pisikal na kaanyuan din ay unti-unti nabago at lumabas ang kanyang tunay na ganda at naging mukhang bata tignan.

Isa pa sa mga magandang nangyari kay Que Huong ay nagsimula na rin ang kanyang karera dahil nagkaroon ito ng lakas ng loob na mag-aral ng english classes at naka0apply ito bilang isang Flight Attendant sa Jet Star.

Loading...
Tags: