Ama, pinabayaan ng kaniyang mga anak na ngayon ay nakatira na lamang sa barong-barong at nananahi ng mga sapatos

Loading...

Mahalin natin ang ating mga magulang habang sila ay malakas pa. Huwag sanang dumating ang pagkakataon na tayo ay magsisi dahil hindi natin ito naiparamdam sa kanila.

Naisip nyo ba na kung gaano kahalaga ng ating mga magulang sa ating buhay?. Naisip nyo rin ba kung paano mabuhay ng walang kinagisnan at kinalakihang magulang o maulila nang maaga sa kanila?

Maaaring sa buhay nating mga kabataan ngayon, mas nakararami na ang kabataang hindi na gumagalang sa kanilang magulang o kaya’y wala ng pakialam.

Hindi na nila naiisip na kung hindi dahil sa kanila, wala ako, ikaw at tayong lahat dito sa mundong ito. Malaki ang paghihirap ng ating mga magulang para sa atin.

Ang ating “ina” na naghirap sa pagdadalang tao nila sa atin higit siyam na buwan, hanggang sa mailuwal nya tayo at lumaki.

Ang ating “ama”, siya naman ang hirap na hirap sa pagtatrabaho para magkaroon ng pera pambili ng gatas at mga gamot natin.

Pero ngayon hindi natin naiisip ang hirap na pinagdaanan nila para sa atin, kung paano tayo palalakihin ng may magandang kinabukasan.

Isinalaysay sa Facebook ni Kho Hal Mha ang sitwasyon ng isang matanda na naninirahan sa gilid ng daan ng diversion road ng Lungsod ng General Santos.

Siya ay kinilala bilang si si Rolando Diaz Pascua na mula sa Nasipit, Agusan del Norte. Ayon kay Kho Hal, siya daw ay bumaba ng kaniyang sasakyan at nilapitan ang matanda habang nag tatahi ng sapatos.

Ayon naman kay tatay ang kaniyang nagging sagot sa tanong ni Kho kung nasaan ang kaniyang mga anak, ang sinagot niya daw ay pinabayaan na daw siya.

Hindi naman nabigyan ng malinaw na detalye kung bakit napunta ang matanda sa Gensan. Dagdag pa ng matanda, ayaw na rin daw niyang umuwi sa kanila at mas gusto pa niyang magtahi na lang ng sapatos sa barong-barong niya.

“Kahit nasa ganitong kalagayan siya, hindi siya nakalimot sa Panginoon,” naaawang sinabi ni Kho.

Gayun pa man, marami naman daw ang nagpapatahi ng sapatos kay tatay kaya siguro mas minabuti niyang manatili sa kaniyang barong barong dahil mas ramdam niya ang pagmamahal ng mga tao sa kaniyang paligid na kahit na hindi niya kadugo.

Loading...
Tags: