Wedding pictorial sa loob ng isang sabungan, viral ngayon sa socmed at kinagiliwan ng publiko

Loading...

Ang pagpa-plano ng isang kasal ay hindi biro lalo na kung ang budget ay sakto o sapat lamang. Dapat din ito paglaanan ng oras at panahon dahil minsan lang ito dumating sa buhay bilang mag-asawa.

Ang pagiging simple o enggrande na pagdadaos ng isang kasalanan ay hindi importante bagkus mas mahalaga ay masaya ang magkasintahan nauwi sa kasalanan at pagkakaroon ng magandang pagsasama.

Marami nang mga kasalanan ngayon ang kakaiba ang mga estilo kung saan nakakaagaw pansin sa publiko.

Ang inyong matutunghayan na wedding pictorial ay masasabing kakaiba at talagang kinaaliwan ng publiko dahil ginanap ang kanilang pictorial sa loob ng sabungan.

Bakit nga ba sa sabungan idinaos ang kanilang wedding pictorial? Alam naman natin na ang pagsasabong ng isang mister ay isa sa pinakaaayawan ng isang misis kahit noon pang araw ng ating mga lolo at lola.

Ang viral video na ito ay nakuhaan sa Nadongholan c0ckpit sa Ormoc at ang bagong kasal ay nakilala bilang sina Harvey at Rose Ann na nagmula sa Ormoc City ng Eastern Visayas.

Ang mga tao sa loob ng sabungan ay talagang naaliw na tila nagkaroon ng variety show dahil ang kanilang halakhak ay hindi matatawaran.

Ang dapat na dalawang kalapating puti na pinaghahalik ng bagong kasal ay ginawa nilang manok na pula na panabong.

Ang buong team na nag-organize ng naturang pictorial ay talagang mapapansin ang kanilang trabaho na determinado makuhaan ang nais na theme ng bagong kasal.

Talaga naman umani ito ng iba’t ibang komento at ang ibang netizens ay talagang kinagiliwan ito dahil bukod sa kakaiba ay pat0k na pat0k naman at napapanahon.

Hindi rin talaga magpapatalo ang pagiging malikhain ng mga Pilipino sa maraming bagay. Ang wedding pictorial na ito ay ginusto ng mag-asawa at walang sapilitan na nangyari.

Nadongholan cockpit

Posted by Missjuliet Sacay Lagahit on Monday, 9 March 2020

Loading...
Tags: