Pampasaherong Jeep na mayroong libreng sanitizer, naikumpara sa mga sellers na triple ang patong sa presyo

Loading...

Dahil sa laganap na sakit at virus ngayon, mas kinakailangan nating mag doble ingat upang maproteksyunan ang ating mga sarili.

Hindi natin maiiwasan pa din ang bumyahe upang makauwi o magawa ang dapat nating gawin.

Sumabay pa ang pag taas ng presyo ng mga kagamitan na dapat sana ay pangunahing mayroon tayo bilang proteksyon kagaya na lang ng alcohol. Talamak ang mga nago-over pricing nito na doble o triple pa ang patong.

Kaya naman ini-halimbawa ng isang netizen na nagngangalang Mharzu ang nasakyan niyang pampasaherong jeep na nagbibigay at nagpapagamit ng alcohol ng libre o walang bayad.

Ayon sa kaniyang parinig , “Ganito kami dito sa Quirino Hill, Baguio City. Nagtutulungan, walang lamangan.”

Madami ang nakarelate sa kaniyang post kaya naman madami ang nag share at nagbigay ng kaniya kaniyang mensahe at pahayag.

Ito din ay ipinost ng Official FB Page ng Isko Moreno Supporters na pinaalalahanan ang mga nag bebenta at nananamantala ng pagkakataon na nag bebenta ng mga sanitizers ng triple pa sa presyo.

Mahiya naman daw dahil naging sakim sila tapos makakasakay sila sa dyip ni manong na ipinapagamit lang nang libre ang sanitizer.

“Di ba nakakahiya ka? Di ba para kang walang pinag-aralan? Di ba parang bigla kang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sakim ka? “

Lingid pa sa kaalaman ng lahat, ang driver pala ng jeep na iyon ay tunay na matapat at mabait sa lahat ng pag kakataon.

Kagaya na lang ng mga kabutihang loob na kaniyang natural na ginagawa sa mga turistang nakakaiwan ng gamit o pera. Kusa niya daw itong isinasauli. Mabuhay ka manong!

Loading...
Tags: