Lalaki, nakapag-pundar ng bahay, paupahan, sasakyan, computer shop dahil sa pagbebenta ng kaniyang homemade Icedrop

Loading...

Iba talaga ang nagagawa ng sipag at tiyaga. Hindi rason ang pagiging mahirap upang di maabot o makuha ang iyong inaasam asam.

Tanging ang kakayahan na mayroon ka ang siyang tutulong sayo upang mabago ang takbo ng iyong pamumuhay.

Sa kagustuhan mong hindi manatili sa ibaba, gagawa at gagawa ka ng paraan upang ikaw ay umangat ng walang nasasagasaan at natatapakang tao.


Maaaring pag aaral ang isa sa solusyon nito. Nagsusumikap, nagsusunog ng kilay at tinitiis lahat ng hirap makapagtapos lang ng kolehiyo at makakuha ng maganda at pang matagalang trabaho. Ang ilan naman ay dinadaan sa diskarte at hindi tumitigil hanggat hindi ito lumalago.


Ang ating kababayan na si Emmanuel M. Jagmis ay isiniwalat ang kaniyang patotoo sa kaniyang nararanasang tagumpay sa mahigit tatlong dekadang pag bebenta ng kaniyang “homemade icedrop” sa kanilang lugar.


Maganda din ang pwesto ng kanilang bahay pagkat malapit ito sa eskwelahan na kung saan talaga namang nagging mabili sa mga estudyante. Kaya naman, bilang bunga nito ay nakapagpundar siya ng paupahan, computer shop at tindahan.


Isa sa pinaka malaki na kaniyang naipundar ay ang sariling sa sasakyan na kay tagal niya ding pinangarap na magkaroon.

Maraming kapwa netizens ang namangha at nabilib tila baý nabuhayan ng loob upang hindi tumigil sa pag-abot ng pangarap. Maaaaring magsimula sa ibaba, hanggang sa lumago ito.


Ang patotoo ng isang tindero ng homemade icedrop ay nagsilbing inspirasyon sa nakararami. Marami rin magandang paraan upang umasenso ang isang taong may pangarap. Ang iba naman ay ginagamit ang kanilang talento upang makaahon sa kahirapan.

Ito ay isang inspirasyon na ang tanging makakapag-angat sa inyong pangarap ay ang inyong sarili kung hindi kayo kikilos at didiskarte sa buhay.

Posted by Emmanuel M Jagmis on Saturday, 16 November 2019

Loading...
Tags: