Batang lansangan natutulog kayakap ang alagang aso sa kalsada, mga netizens naawa at naantig ang mga puso 

Loading...

Isang larawan ang ibinahagi ni Jem Villomo sa Facebook kung saan makikita ang isang bata na natutulog habang kayakap ang kanyang alagang aso.

Nakamamangha din ang aso dahil kahit anong estado ang buhay ng kanyang amo ay hindi nila ito iniiwan at nananatili ito na taga-bantay kahit walang hinahangad na kapalit.

Ang nakakalungkot sa larawan na ito ay ang bata at kanyang alaga ay natutulog lamang sa gilid ng kalsada kung saan walang sapin at tiyak na malamig ang kanilang hinihigaan na semento.

Bilang panangga sa lamig dahil sa simoy ng hangin at semento sa kanilang tinutulugan ay niyayakap na lamang ng bata ang kanyang alagang aso kung saan sabay silang natutulog at makapagpahinga.

Makikita din sa larawan kung gaaano din kamahal ng bata ang alagang aso dahil sa pagkakayakap nito at ganoon din ang kanyang alagang aso na may pabalik din yakap para sa kanyang amo.

Ang tanging maituturing ng bata na pamilya ay ang kanyang aso lamang kaya pinapahalagahan niya na ito na tunay niyang pamilya.

Maraming netizens din ang naawa sa kalagayan ng dalawang bata at may mga gustong tumulong sa batang ito at sa aso dahil sa ibinibigay na tunay na kahulugan ng pagmamahal at pagkakaibigan sa pagitan ng isang aso at tao.

Marami rin netizens na iginiit na huwag paghiwalayin ang bata at ang kanyang alaga lalo na’t ulila na umano ito sa kanyang mga magulang.

Narito rin ang ilan komento ng mga netizens na talaga naman ikinalungkot nila.

“Diyan mo makikita na ang aso ay talagang mas loyal pa kaysa sa ibang tao.”

“Nakakalungkot. Buti na lang may aso siya na sandigan sa panahon na kailangan niya ng pamilya.

Loading...
Tags: