Kwento ng isang Aso na Aspin na naiwan at binalikan sa Taal, pinaiyak ang madla

Loading...

Sa isang post ng netizen na si Alia Rodelas may isinulat sya tungkol sa aso na naiwan sa Taal dahil alam naman natin na maraming hay0p talaga ang hindi nailigtas.

Ibinase naman ng My love dog ang kwento sa isang Aso na si Palatik isang Aspin sa Taal kung saan naiwan siya at binantayan ang bahay ng kaniyang amo.

Narito ang ilan bahagi ng kwento na isinulat ni Alia Rodelas na talagang inyong susubaybayan.

“Naihanda na ba ninyo ang mga gamit na kakailangan ninyo?” “Opo, nanay.” “Hihintayin na lang natin ang Tatay ni’yo ha? ‘Wag kayo matakot. Makakasakay na tayo sa sunod na rescue,”

Lumapit ako sa bintana at sumilip doon. Pakapal na nang pakapal ang abo sa labas. Pahina na rin nang pahina ang tahol na maririnig mula sa alagang aso ng kapitbahay namin na si Bruno.

Halos isang oras na itong umiiyak simula nang makalikas ang pamilya ni Mang Caloy. Hanggang ngayon tinatawag niya pa rin ang pamilya niya. Umaasa na babalikan siya.

Hindi rin naman masisisi ang pamilya ni Mang Caloy. Kailangan talaga unahin ang kaligtasan ng pamilya niya. Pero nakakalungkot pa rin.

Siguro, ganoon rin ang mangyayari sa akin.

Lumayo ako sa bintana at naupo. Pinagmasdan ko lang si Nanay, si Ate Aubrey at Kuya Janus na nakasilip sa bintana, lahat sila nakasuot ng face mask.

Maya-maya ay dumating na si Tatay. May rescue na raw na padaan. Pinanood ko silang isakbit ang mga bag nila na naglalaman ng mga gamit nila.

Bago sila lumabas, lumapit ako kay Tatay. Idinikit ko ang ulo ko sa kanyang paa. Ngunit mabilis naman silang nakalabas dahil narinig na ang sirena ng rescue truck.

Humabol ako hanggang sa tarangkahan.

“Nanay! Tatay! Ingat kayo ha? Babantayan ko ng bahay natin. Babantayan ko hanggang kaya ko. Mahal na mahal ko kayo,”

Pero syempre, tahol lang maririnig nila sa aking pamamaalam.

Sa kwento na ito ay maraming netizens ang napaiyak dahil kung nagsasalita pala ang mga alagang hayop natin ay ganito ang kanilang sasabihin nguni’t hindi natin maiintindihan dahil tahol o tunog lamang ang ating maririnig.

Narito ang kabuuan kwento tungkol sa aso na ibinase sa asong taal na si Palatik

A Fur Story.PALATIK: Aspin Tourist guide dogTalisay Caldera TaalJan 12, 2019 23:55Naihanda na ba ninyo ang mga…

Posted by My lovely Dog on Tuesday, 14 January 2020

Ngayon, Si Palatik po ay nailigtas at nasa mabuting kalagayan. Maraming salamat din sa mga grupo ng mga animal lovers, PAWS, PETA Asia, Coast guard at iba pang nangangasiwa sa mga nagliligtas ng mga hayop at mga boluntaryo ialok ang kanilang espasyo para sa mga tutuluyan ng mga ito.

Loading...
Tags: