Kuya, ipinahiram ang pantalon sa kapatid na babae para makapag-entrance exam, palda ng kapatid isinuot

Loading...

Kung tungkol sa pamilya at magkakapatid ang pag-uusapan, naging usap-usapan ngayon sa socmed ang magkapatid mula sa Cebu City na may nakakaaliw na kwento na nag-trending sa social media.

Sinamahan ni Jann Christian Bungcaras ang kanyang nakababatang kapatid na si Jea upang kumuha ng entrance exam nito sa isang pribadong paaralan sa Cebu City.

Si Jann ay nasa 25 taong gulang samantalang si Jea naman ay nasa Grade 12. Estudyante sa University of San Carlos si Jea at handang handa na ito sana kumuha ng kanyang entrance exam.

Hinarang ang magkapatid bago pumasok sa loob ng eskwelahan dahil sa istriktong dress code. Nakasuot ng isang knee-lenght na palda na kulay dilaw si Jea kaya hindi ito pinayagan makapasok sa eskwelahan para mag-exam.

Ang buong akala ng magkapatid ay shorts lamang ang bawal kaya nag-atubili si Jea na magsuot ng palda na hindi niya inaasahan na bawal din pala ito.

Ilan minuto na lamang ay malapit na magsimula ang entrance exam ngunit hindi na nag-atubili si Jann at hinila nito ang kanyang kapatid sa pinakamalapit na restroom.

Hinubad nito ang kanyang su0t na pantal0n sa labas mismo ng pinto ng CR at sinabihan ang kapatid na ang isuot muna ay ang kanyang pantalon para tuluyan na siyang makapag-exam.

Agad naman isinuot ni Jea ang pantalong ng kanyang kuya at inabot naman nito ang kanyang palda sa kanyang kuya.

Ang kanyang kuya naman ay isinuot ang palda ni Jea upang may maipatong ito sa suot nitong b0xers. Dahil na rin sa ginawa ng kanyang kuya, umabot si Jea sa entrance exam at ang kanyang kuya ay matiyagang naghihintay habang suot ang palda.

Ibinahagi ni Jann sa kanyang Facebook account ang mga larawan na kanilang kuha na magkapatid kung saan maraming netizens ang napaligaya nito at hinangaan ang supportive na kuya.

Nilinaw naman ni Jann na hindi talaga nila alam na bawal magsuot ng palda sa exam ngunit malaking pasasalamat nila na nakaabot ang si Jea sa entrance exam at hindi na kakailanganin pa magpa-reschedule.

Loading...
Tags: