Eat and Run na mga bisita, umalis nang matapos kumain sa reception ng bagong Kasal kahit wala pa sa kalagitnaan ang event

Loading...

Isa sa pinaka inaabangan pag katapos ng kasal ay ang resepsiyon na kung saan magkakasama sama muli ang mga bisita kasama ang mga kapamilya ng mga bagong kasal upang sabay sabay kumain ng mga hinandang iba’t ibang klase ng pagkain.

Mayroon ding mga hosts na mag eentertain, mga palaro para sa bagong kasal at mga bisita, magbibigayan ng mga mensahe at iba’t ibang tradisyon pa pagkatapos ng kasal na dapat masaksihan ng mga bisita bilang pakikiisa sa kanilang pag iisang dibdib.

Ang lahat ng ito ay pinaghandaan at pinag kagastusan ng mga magiging at nagging mag asawa, kaya nararapat lamang na i- appreciate natin ang mga ganitong pagkakataon.

Sapagkat narito din ang mga nangunguha ng mga litrato bilang isang magandang memorya na maitatabi ng mag asawa.

Katulad din ng nauusong same day edit na video kung saan kinukuhanan ang bawat moments ng mga bisita at ng bagong kasal bilang pag-alaala sa mga highlights.

Ngunit katulad na lamang ng pinost nitong isang photographer na si James Balmeo na kung saan nagpost siya ng dalawang magkaibang wedding receptions ngunit magkaibang tao at lugar.

Kitang kita na kay garbo at pinaghandaan ang reception sa dalawang litrato. Nasa magandang venue at kay gaganda pa ng disenyo.

Sa kasamaang palad mayroon talagang mga Pilipino na nakaugalian nang umuwi ng maaga pagkatapos kumain kahit na hindi pa tapos ang mga events.

Bilang ikaw na nag imbita, madidismaya kang makitang iilan na lamang ang makikita mong natitira sa isa sa iyong pinaka mahalaga at masayang parte na babaunin mo sa habang buhay.

Nariyan ang mga excuses na malayo ang uuwian o kaya man ay may gagawin pang ibang gawain. Sana maging aral na ito sa mga susunod pang events. Pinaglaanan, pinaghandaan at pinlano nang mabuti kaya dapat respetuhin at makisama.

Loading...
Tags: