Babae namataan na namimigay ng libreng alc0h0l sa mga dumadaan kahit tirik ang araw, viral ngayon sa socmed

Loading...

Pagkatapos ng bulkang Taal noong Enero 2020, nagkaroon ng bayanihan ang sambayanan Pilipino kung saan nagtulungan ang mga kapwa Pilipino.

Ngayon, dahil sa paglaganap ng c0vid-19 ay maraming Pilipino ang na-alarma at usap-usapan din na nagkakaubusan ng alcohol dahil isa daw ito sa panlaban sa naturan sakit.

Viral ngayon ang isang babae na namataan sa isang baba ng hagdan ng isang overpass kung saan binibigyan nito ang ng alc0hol ang mga dumadaan.

Ibinahagi ang isang video sa Facebook page na Kwatro ang babae na may mabuting loob na nagbibigay ng libreng alc0h0l upang panlaban sa naturan v1rus.

Mapapansin din na ang babae ay nakangiti habang nagbibigay ito ng libreng alc0hol at nais makatulong sa kapwa Pilipino na malagpasan ang ganitong uri ng problema na kinahaharap ngayon ng bansa.

Sa tindi ng sikat ng araw ay hindi alintana sa babae na namimigay ng libreng alc0h0l. Maraming nakapansin sa babae na ito at hinangaan ng marami dahil sa kabutihan loob nito.

Mapapansin din ang babae ay simple lamang ang suot. Sa uri ng panahon natin ngayon ay talagang makikita ang bayanihan.

Aminin man natin o hindi, sa kabila ng mga mabubuting loob ay hindi maiiwasan din ang mga mapagsamantala gaya na lamang sa pagbebenta ng doble o tripleng presyo ng alc0hol at facemask.

Ngunit mas nangingibabaw pa din ang kabutihan na ipinapakita ng ibang Pilipino. Gaya na lamang ng isang hindi kilalang babae sa supermarket kung saan pinuno at nilagyan ang basket ng isang matandang lalaki at binayaran lahat ng hindi kilalang babae.

Ngayon isang babae naman ang matiyaga at determinadong bigyan ng alcoh0l ang mga dumadaan na kanyang makikita.

Wow! ang bait ni ate.

Wow! ang bait ni ate.. buti pa sya namimigay ng libreng alcohol, samantalang yung iba bumibili ng isang katerbang Alcohol para ibenta sa mas mahal na presyo.. Saludo kami sayo ate girl Salamat sa pagmamalasakit sa kapwa.. God bless you© Jhen Galupo Adigue

Posted by Kwatro on Thursday, 12 March 2020

Samantala, umani naman ng papuri ang babae na ito kung saan may mga komento tungkol sa kanya. Narito ang ilan komento ng netizens na talagang ikinahanga nila.

“God bless you ateng. Ganito dapat para makatulong sa kapwa hindi yung papakyawin mo lahat ng ns supermarket at pagkakakitaan.”

“People like this good karma will follow, God bless you girl”

“Ang bait nyo po. Pagpalain ka po ng Poong Maykapal. Sa panahon isa ikaw sa mga kinakailangan ng napakarami natin mg kababayan..”

“Thank you and GOD BLESS you and your family”

Loading...
Tags: