Anak, pinagmamalaki ang kanyang Ama na kargador kahit katatapos lang ito 0perahan na nag-doble kayod para makapagtapos siya ng kolehiyo

Loading...

Ang mga magulang ay gagawin ang lahat para sa anak na minamahal upang maibigay pangangailangan at mapag-aral upang maging maayos ang kinabukasan at di na maranasan pa ang hirap na kanilang pinagdaanan.

Wala silang ibang hangad kundi ang maging isa kang mabuting tao at marunong sa pakikipag-kapwa.

Isang dakilang ama ang nagpatuloy sa kaniyang trabaho bilang isang kargador kahit na katatapos lang ito operahan.

Ang kaniyang anak na si Mailyn Esquelito Akoy ang nagpatotoo kung gaano siya kabuting ama. Sa lahat ng nagging hadlang sap ag abot ng kaniyang pangarap, wala siyang ibang pinagtutunan ng pansin kung hindi ang kaniyang pangarap.

”Lahat ng ito ay ginamit at ginawa niyang inspirasyon para mas mag aral ng mabuti, paghirapan ang kaniyang pangarap, maka graduate at mabigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang pamilya.”

‘Lahat ng hirap na pinagdaanan ng mga magulang ko ang syang nagsilbing inspirasyon ko para pagbutihin ko ang aking pag-aral. Dahil si Papa isang kargador samantalang si Mama naman ay syang nag-aalaga’t nagaasikasu sa aming magkapatid.”

”Naalala ko pa noon, halos 10 years kaming nanirahan sa squatters area ng minsang masunog ang aming bahay.  Hindi alintana ni Mama noon ang maiwan sa loob ng lumalagablab naming bahay, mailigtas lamang kaming magkapatid, kaya nag iwan ito ng malaking marka sa kanyang braso.”

Siya at ang kaniyang buong pamilya ay nakatira lamang sa isang squatter’s area na kung saan madalas bahain kaya nahihirapan silang matulog sa tuwing umuulan at bumabaha.

Para makatulong sa kaniyang mga magulang, si Mailyn ay hindi lang basta nag aral ng mabuti bagkus ginagawa niya din ang lahat para kumita ng extra na pera.

Iniiwasan niya ding sumali sa mga extra curricular activities na kung saan kinakailangan ng mga pera. Mas nilaan niya na lang ito sa kaniyang pagkain.

”Upang makatulong ako sa aking mga magulang, nagtututor ako, gumagawa ng mga project ng mga tamad na estudyante, nagpapaketi ng chicharon sa aming kapit bahay, naglalako ng gulay, namumulot ng plastik, bote, bakal at minsan ding naging working student ng sa ganon may pangbaon at pambayad ako sa mga babayarin ko sa paaralan.”

Huminto daw siya ng isng taon matapos ang highschool at nag enroll sa TESDA at kumuha ng Computer Literacy sa Nuestra Seniora de Candelaria Parish Church sa Sultan Kudarat.

Nang makapasa sa entrance exam ng Sultan Kudarat State University, nag enroll naman siya sa course na Bachelor of Arts in Economics na binayaran gamit ang perang inutang ng kaniyang ina sa bumbay.

Kaya naman, kinailangang mag trabaho ng doble pa ang kaniyang ama upang mabayaran iyon.

”Marami ang nakapagsabi na hindi ako makaka-abot hanggang 4th year college dahil hindi na raw kakayanin ng aking mga magulang ang magiging gastusin sa paaralan. Hanggang 1st semester lang daw ako dahil si Papa isa lamang na kargador na kung tutuosin kulang pa ang kayang kinikita sa pang araw-araw naming gastosin dahil lang sa kakaramput nitong kita.”

”Kahit hindi man ako Cum Laude, Hindi rin ako honored student at wala man akong matatanggap na kahit anong award at kahit audience nanaman ang lola nyo sa nalalapit na parangal, masaya ako na ilahad ang aking kwento hindi para may maipagmayabang dahil malapit na ako sa katotohanan ng tagumpay kundi para maibahagi ang kwento kong ito para magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katulad ko na salat sa buhay, na anak ng isang kargado, na kahit anong hirap ay kayang lampasan lahat ng pagsubok, mapagpursige at mapagsumikap na anak at isang istudyanteng kailanman hindi nauubusan at nawawalan ng tiwala sa Puong Maykapal.”

Dahil kung ikaw ay may hangarin maaabot at maaabot mo ang iyong mga pinapangarap. Dahil ako? HINDI AKO NAHIHIYANG IPAALAM NA ANG TRABAHO NG AKING AMA AY ISANG “KARGADOR”.

https://www.facebook.com/mailynakoy21/videos/711876135870433/

Nakuha niya ang CHED Scholarship at Academic Scholarship bunga ng kaniyang pagiging Dean’s Lister.

Loading...
Tags: