Tatay, nakapasan ang anak sa likuran habang nagtatrabaho upang magkaroon ng pambili ng gatas at mabantayan

Loading...

Ang pagbuo ng pamilya ay isa sa malaking obligasyon at responsibilidad sa isang magulang upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga supling.

Ang ama ang isa sa magpapatibay at bilang haligi ng bawat tahanan dahil sila ang bubuo at magtataguyod ng kanilang pamilya sa hirap at ginhawa.

Bihira at bilang lang ang lalaki na itataguyod ang mga anak lalo na sa panahon ngayon. Kaya ma-swerte kayo kung ang inyong ama ay kabilang sa Padre de Pamilya at tunay na haligi ng tahanan.

Ang Padre de Pamilya ay siyang nagtataguyod para sa kinabukasan ng mga anak. Isa din sila sa dapat ibigay ang pangangailangan ng mga anak habang ang ina naman ay inaalagaan at binabantayan ang mga anak para sa seguridad na kaligtasan.

Ilan lamang ito ito sa mga ginagawa ng mga Tatay at sa daming responsibilidad na kailangan nilang gampanan sa isang pamilya ay nasasambit na lang ang ilan katagang “pasan na nila ang daigdig”.

Katulad na lang nito, isang ama ang kamakailan kumalat at kumuha sa atensyon ng nakararami sa social media.

Ibinahagi ni Vinz Manalo Bobo ang kanyang larawan na nagpapakita kung paano siya nagtatrabaho habang pasan-pasan sa kanilang likuran ang anak na wala pang muwang sa mundo.

Sa Facebook post ni Vinz, May caption siya na pumukaw sa atensyon ng mga netizens at humanga sa kanya.

“Kapit lang anak ko kailangan lang talaga magtrabaho ng papa mo para may pambili ng gatas mo #backride #joyride #inpired”

Ayon kay Vinz, natatrabaho siya sa Adventist Hospital lugar sa Palawan, Napangasawa niya si Julie May Dominguez na natatrabaho rin sa kapareho niyang lugar at nabiyayaan sila ng dalawang anak.

Bago man masabak sa trabaho sa kusina ay dating misyonaryo si Vinz kasama na din ang asawa nitong si Julie.

 

Sa dalawang larawan na ibinahagi ni Vinz sa Facebook ay makikitang tahimik at walang imik ang bata habang nakasabit ito sa kanyang likuran na balang-abala sa pagbabalat at paghihiwa ng mga gulay.

Maliban sa pag-aasikas0 ng mga lulutuin, si Vinz narin mismo ang nagluluto at minsan ay naghuhugas ng mga plato sa kusina.

Marami naman mga netizens ang samu’t saring reaksyon patungkol dito at hinangaan din ng ibang netizens ang ama na nagsusumikap para sa anak.

May ilan netizens din na naaawa sa bata dahil sa kalagayan nito at sitwasyon sa likuran ng kanyang.

Loading...
Tags: