Taong Grasa, muling nakita ng kanyang kapatid sa hindi inaasahan na mahigit limang taon nang nawawala

Loading...

Isa sa pinakamasakit din ang mawalay sa pamilya, ngunit ang isa sa pinaka-masakit ay ang mawala ang isa sa miyembro ng inyong pamilya na hindi nyo alam kung nasaan ito o kung ano na ba ang nangyayari sa kanya araw-araw.

Isa sa pinakamasarap na pangyayari ay ang mabuo muli ang isang pamilya lalo na kung hindi kayo madalas na magkita o magkakasama dahil ang iba ay may mga pamilya na o nagtatrabaho.

Gaya na lamang ng senaryo na ito, ibinahagi ng isang netizen na si Ric Oliver ang kanyang nasaksihan sa muling pagtatagpo ng magkapatid sa Pateros.

Ayon kay Ric Oliver, noong January 20 ay mayroon silang napansin na taong grasa. Hindi lamang nila ito pinansin ngunit makalipas ang ilang oras may lumapit sa taong grasa na isang babae.

“Nilapitan nung babae si kuya, niyakap niya ito at sabay sabi na ‘Kuya naalala mo pa ba ako? Umiiyak si ate at panay yakap sa lalaki. Narinig ko din na may kausap si ate sa cellphone, sabi niya ‘Nay nakita ko na po si kuya, iuuwi ko na dyan.” ayon kay Oliver ito ang kanyang nasaksihan na sinabi ng babae sa taong grasa.

 

Nagbahagi rin si Oliver ng video kung saan makikita ang nakakaiyak na senaryo na reunion ng taong grasa at kapatid niya. Niyayakap ng babae ang kanyang kuya na halatang sabik itong makita muli ang nawawalang kapatid na limang taon na nakalilipas.

 

Hindi rin napigilan ang emosy0n ng taong grasa kaya hindi napigilan nito ang maluha nang makita ang kanyang kapatid.

Ayon sa saksi, mahigit limang taon nang mawala ang lalaki sa kanilang pamilya. Sa Batangas pa siya nawala at walang alam ang pamilya na nakarating na ito ng Metro Manila.

Ilan taon rin ang kanilang ginugol sa paghahanap sa kanilang nawawalang miyembro ng pamilya na halos mawalan na sila ng pag-asa.

Maraming netizens ang naantig ang puso sa nakakaiyak na eksena na ito na akala natin sa ay sa telebisyon lang natin mapapanood ang ganitong senaryo.

Place:pateros latagan nightsTime around 8pmJan 20, 2020Share ko lng po ung experience nmin sa latagan kagabi.Isang lalaki n taong grasa po ang biglang umupo sa aming tabi, nakaupo lang, nakatulala. Pagkalipas ng ilang oras my babaeng dumaan, tila papasok plng sa work, bigla syang napalingon kung saan nakaupo si kuyang taong grasa, nagulat kami sa sunod na pangyayari.Nilapitan nung babae si kuya, niyakap at sabay sabing " kuya naaalala mu pa ba ako?" Umiiyak si ate at panay ang yakap nia sa lalaki. Narinig ko my kausap si ate sa cp, sabi nia hbang umiiyak "nay, nakita ko napo si kuya, hindi npo ako papasok, iuuwi ko n sya jan" umiiyak na rin ung lalaki.As per ate, 5years na plng nawawala ung kuya nia, at sa batangas pa ito nawala, kung ano man ang detalye kung bkit nwala at kung ano ngyari ay hindi na namin naitanong pa, mas pinili namin na ibigay n sa kanila yung oras nila.Kaya q po sana i sshare ang munting video n nkuha q po sa knila,ay para magsilbing inspirasyon po sana sa iba,kung sakali po na mayroon po sila minamahal sa buhay na nawalay po sa knila,wag po sana taung mawalan ng pag asa at tiwala sa panginoon na balang araw ay mkksama po nten sila ulet..!???

Posted by Ric Oliver on Monday, 20 January 2020

 

Marami rin netizens na nag-aasam malaman ang totoong kwento ng magkapatid na sana daw ay ma-featured sa isang telebisyon.

Loading...
Tags: