Mister, hindi inakala nang makita niya ang kanyang sarili sa litrato ng kanyang Misis noong dalaga pa ito halos 20 taon nakalilipas

Loading...

Sa ating panahon ngayon ay kaunti na lamang ang naniniwala sa ‘love at first’ at ‘destiny’ dahil maraming paraan na upang makilala at makita ang mga tao na maaaring gustuhin ngayon kahit sa malayo man lugar.

Naniniwala din ba kayo na pinagtagpo na noon sa iisang lugar at oras na maaari mong magiging kasama habambuhay?

Gaya na lamang ng senaryo na ito, hindi nila inaakala na magkakasama sila sa isang larawan 20 taon na nakalilipas. Hindi rin sila magkakilala noon o magkasama.

Sa populasyon sa Tsina na umaabot na ng isang bilyon, sadyang hindi talaga posible ang pagtatagpo muli ng dalawang tao na ito sa ikalawang pagkakataon ay itinadhana na talaga para sa isa’t isa.

Usap-usapan ngayon sa socmed ang magkasintahan na ito dahil sa kanilang kwentong pag-ibig na talagang masasabi natin kakaiba o para sa iba ay normal lamang.

Ayon sa ulat, ang mag-asawa na si Mr. Ye at Mrs. Xue ay nagkakilala at nagkapalagayan ng loob taong 2011. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, noong Hulyo 2000 ay pareho silang nasa Fourth Square sa Qingdao.

Ayon sa kay Mr. Ye ay nagulat siya nang makita ang kanilang mga lumang larawan, napansin niya ang larawan ng kanyang Misis noong dalaga pa ito. Napag-alamanan ng Mister at iginiit na siya ang nasa likuran na lalaki na nakatayo sa likuran ng babae na kanyang misis ngayon.

Saad naman ng kanyang misis ay naroon siya upang alalayan sa tour ang kanyang ina na may sakit. Ayon naman sa mister, siya ay naroon din kasa-kasama din ang kaniyang ina.

Plano ngayon ng mag-asawa na bumalik sa lugar na iyon kapag malalaki na ang kanilang anak upang magpakuha muli ng larawan at sama-sama silang pamilya.

“It seems that Qingdao is certainly one of the most special cities. When the children are older, we will go to Qingdao again and the family will take a photo again.” Ayon kay Mr. Ye.

Loading...
Tags: