Licensed Professional Teacher, Hindi Tinanggap Sa Trabaho Nang Dahil Sa Kaniyang Malubhang Karamdaman

Loading...

May mga pagkakataon na hindi mo talaga alam kung paano mo mapapag tagumpayan ang karerang napili mo. Nariyan ang mga hadlang o problema na maaring maging dahilan sa hindi mo pagkamit ng iyong pangarap.

Pinansyal, personal na problema, pagod, mga taong nasa paligid mo, katamaran o maging ang sarili mong karamdaman.

Noong Setyembre taong 2019, nag viral ang isa nang ganap na licensed teacher na kasalukuyang nakikipag laban sa kaniyang malubhang karamdaman.

Hindi niya inisip ang mga ito bagkus, nilakasan ang kaniyang loob at hinarap ng buong buo ang hamon ng kaniyang buhay.

Siya ay kinilala bilang si Jessa Marie Malate na ngayon ay Licensed Professional Teacher na. Bilang isang ganap na LPT, ninanais niyang makapag turo kaya naman nito lamang ay pinuntahan na niya ang kaniyang kauna unahang job interview.

Hindi naging sapat ang lakas ng loob na kaniyang pinag ipunan at determinasyong kaniyang binuo.

Sa kaniyang account sa Facebook, isinalaysay ni Jessa kung paano niya napagtagumpayan ang isa sa pinaka masakit na pangyayari sa kaniyang buhay bilang teacher.

“I am currently applying for a teaching position. My first interview was done with teary eyes. Hindi ako nag papaawa, nalulungkot lang ako sa nangyari.

Tanggap ko naman noon pa ýong sitwasyon ko at kailangan ko talagang tanggapin ang realidad na mahirap matanggap sa trabaho ang isang kagaya ko”

Narito ang conversation sa kanyang interview;

Dagdag pa niya “It hurts kasi I know I did my best pero parang hindi iyon sapat kahit pinipilit ko lagging gawin ang mga bagay na nagagawa ng normal at healthy na tao. Para patunayan o ipakita na kaya ko rin namang gawin kahit may sakit ako. Feeling strong lang lagi kasi ayaw kong isipin na may sakit ako at wala nang magagawa”

Patuloy pa din ang pag asa ni Teacher Jessa na balang araw mabibigyan din ng pagkakataon ang mga taong katulad niya.

Kaya naman, kumakatok sa inyong puso an gating LPT na kung saan maaaring bumili ng kaniyang fundraising shirts para maipambayad o mai-pang gastos nsa halos P500,000 na kaniyang medical needs.

Loading...
Tags: