Underground na tindahan, matatagpuan sa ilalim ng butas ng isang pader kung saan kinagiliwan ng madla

Loading...

Sa panahon ngayon dapat maging madiskarte upang kumita ng pera para pangtustos sa pangangailangan.

Kaya naman ang iba ay nagtatayo ng tindahan kung saan maaari sila makapag-ipon sa pamamagitan ng kanilang tubo sa paninda.

Gaya na lamang ang usap-usapan na ito sa publiko kung saan kinagiliwan ng marami dahil kakaibang tindahan dahil madalas ang tindahan ay makikita natin sa mga tabi-tabi lang.

Isa na ito sa kakaibang tindahan na inyong matutunghayan. Sa Facebook page ng ‘Tom Sawyer’ ibinahagi ang viral video ng isang lalaki na sumisilip sa isang butas ng pader.

Ang lalaki na sumisilip sa pader ay bumibili pala sa isang tindahan na nasa loob ng maliit na butas.

Ang lalaki na nakita sa video ay tila gumagapang pa at sinisiyasat nito ang butas kung ano ang kanyang mabibili sa tindahan.

Ang naturang butas ay natatakpan lamang ng isang kulay asul na tarpauli na matatagpuan sa bangketa.

Hindi mapapansin na ito ay tindahan dahil wala itong karatula o isang senyales na ito ay tindahan at maraming nagtataka din na dumadaan kung ano ang mayroon sa butas na iyon.

Ang lalaki ay bumili ng softdrinks at ilan mga biskwit. Akala naman ng iba ito ay prank lamang ngunit nang kanilang mapagmasdan na ito ay tunay na tindahan.

Ang kakaibang tindahan na ito ay natuklasan ng magkaiigan dahil na rin sa naunang customer na bumili rito.

Nais lamang sana nilang mamahinga sa isang parking ngunit hindi nila inaakala na makakakita sila ng kakaibang tindahan.

Tunay ngang madiskarte ang mga Pilipino lalo na sa usapin na negosyo tulad ng pagtitinda. Alam naman natin ang mga Pilipino ay talagang masisipag at kahit anong trabaho ay kakayanin.

Narito ang video na talagang ikakatuwa niyo.

sikretong malupet sari sari store (c) John Daryl

Posted by Tom Sawyer on Wednesday, 4 March 2020

 

Loading...
Tags: