Netizens humanga sa bata sa 7-taong gulang kung saan Estudyante sa umaga, nagtitinda ng gulay naman sa hapon

Loading...

Usap-usapan sa social media ang isang batang estudyante na nasa grade 1 dahil imbis na maglaro sa ibang kapwa niya bata ay pinili nito na mag-aral sa umaga at magtinda ng gulay sa hapon.

Maraming netizens ang humanga at napabilib sa determinadong bata na ito dahil mas iniisip nito ang kapakanan ng kanyang ina na may sakit.

Ang bata na ito ay nakilala bilang si Jhoncent, 7 taong gulang. Ang kanyang larawan ay ibinahagi ng isang netizens kung saan nakasabay niya ito makasakay sa isang pampasaherong jeep.

Dala-dala ni Jhoncent ang kanyang panindang gulay na ibebenta umano niya pagkatapos ng kanyang klase.

Napag-alaman din ng netizen na ang ina ni Jhoncent ay may sakit kaya si Jhoncent ang magbebenta ng mga gulay dahil hindi kaya ng kanyang Ina na kumilos dahil sa karamdaman.

Napagdesisyunan ni Jhoncent na tumulong sa mga gastusin para sa kanilang bahay sa pamamagitan ng kanyang makakaya tulad ng pagbebenta ng gulay.

Ang kinikita naman niya dito ay napupunta sa kanilang pagkain at pandagdag panggastos sa araw-araw.

Alam naman ng marami na hindi ito responsibilidad ng bata dahil sa kanyang murang edad ay dapat nagpapahinga at naglalaro pa dapat.

Ngunit sa panahon ngayon at kakapusan sa buhay ay hindi maiiwasan ni Jhoncent gawin ito upang makatulong sa kanyang pamilya.

GRADE 1 STUDENT SA UMAGA, GULAY VENDOR SA HAPON7 taong gulang pa lang si Jhoncent pero pinagsasabay na niya ang…

Posted by GMA Public Affairs on Monday, 9 March 2020

Loading...
Tags: