Lolo, pinag-aral ang kanyang mga pamangkin noon, Naninirahan na lamang siya sa barong-barong ngayon

Loading...

Isang nakakaantig ng puso ang kwento ni Archie Hilario na isang vlogger kung saan ay may natagpuan siyang isang matanda na nakilala bilang si Lolo Ruben 68 taon gulang.

Ibinahagi ni Lolo Ruben ang kanyang buhay sa vlogger. Napag-alaman na walang asawa at anak si Lolo Ruben at nakatira lamang siya sa isang barong-barong.

Ayon sa matanda ang kanyang mga magulang at kapatid ay pumanaw na kaya siya na lang ang bukod tangi na nagsisikap sa buhay at walang katuwang.

Dahil din sa wala na itong kamag-anak, nalaman din na may apat siyang pamangkin kung saan pinalaki niya ito noon at pinag-aral pa.

Nang makahanap ng trabaho at nag-asawa ang kanyang mga pamangkin ay lumayo ito kay lolo ruben at bilang na lang sa daliri kung siya ay dalawin.

Dagdag pa ni lolo ruben ay mayroon din siyang tinulungan na iba’t ibang tao upang makapag-aral din noong panahon na siya ay malakas pa ang kanyang kita at nagtatrabaho.

Tinanong din ng vlogger na si Archie kung ano ang gusto niyang regalo dahil katatapos lamang mag-birthday ni lolo ruben.

Ang tanging sagot lamang niya ay isang maayos at mabuting tirahan para kapag dumating ang malakas na ulan ay may masisilungan siya.

Kwento pa ng matanda, sigurado ay hindi alam ng kanyang mga pamangkin kung ano ang nararanasan niya ngayon dahil wala kahit anuman social media akawnt si tatay upang makausap ang mga ito.

Hiling ni lolo ruben na mapanood sana ang kanyang video upang matulungan at mapuntahan siya para mapaayos ang kanyang tirahan upang hindi na siya nahihirapan.

Dahil din sa edad ni lolo ruben ay hirap na din itong kumilos at limitado lamang ang lakas. Binigyan din siya ni Archie ng bubong at iba pang materyales upang mapaayos ang kanyang sinisilungan.

Loading...
Tags: