Single Dad, nagsuot ng wig at nagsuot ng pambabae upang makapunta sa Mother’s Day activity sa eskwelahan ng anak, mga netizens humanga

Loading...

Ang pagiging single parent ay maituturing natin na bayani dahil mag-isa nila itinataguyod na mga anak upang sa gayon ay magkaroon pa rin ito ng magandang kinabukasan kahit hindi buo ang pamilya.

Gaya na lamang ng single dad na ito ba gagawin ang lahat para sa kanyang anak upang maramdaman nito ang labis na pagmamahal at pag-suporta sa anak.

Ang singe parent na ito ay nakilala bilang si Charan ‘Ran’ Chamnuansok mula sa Thailand at nahiwalay ito sa asawa ilan taon na ang nakalilipas.

Magmula nang iniwan sila ng kanyang asawa ay hindi na nakakapunta ang kanyang anak sa Mother’s day activity. Kaya dumating ang araw na ito ay sinorpresa nito ang kanyang anak dahil pumunta ito sa eskwelahan nakasuot ng wig at pambabae na kasuotan.

Nanghiram si Charan ng wig at damit na pambabae mula sa mga kakilala.

“Does anyone have a wig that I can borrow? I need to be a mother for my children.” anya ni Charan.

Mayroon naman isang mabuting kalooban na kapitbahay ang nagpahiram sa kanya. Ang blouse naman ay nagmula pa sa kanyang lola.

Nang makita siya ng kanyang anak sa eskwelahan ay malaking ngiti sa mga labi at tuwa ang sumalubong sa kanya galing sa anak.

Hindi nila pinansin ang suot na pambabae ni Charan dahil ang mahalaga ay nakapunta siya sa espesyal na okasyon sa eskwelahan.

Maraming single parent ang naka-relate at humanga kay Charan dahil hindi madaling tumayo na ina at ama sa kanilang mga anak.

Ngunit ang pagmamahal ng isang magulang sa anak, lahat ay gagawin para lang sa pangangailangan at ikabubuti ng mga anak.

Masaya ang anak ni Charan at binigyan pa ng bulaklak ang kanilang ama upang maipadama ang paghanga sa ama na ginawang sakripisyo para sa kanila.

Loading...
Tags: