Sikat na Aktor na si Mon Confiado biglaan ang pagbago ng itsura na ikinagulat ng mga Netizens

Loading...

Marami ang nagsasabi lalo na ang mga celebrity na ang mundo ng Showbiz ay walang kasiguraduhan na mananatili ang kinang ng isang bituin bilang isang artista. Ang iba ay pana-panahon talaga ang pag-usbong at lulubog dahil sa karera ng isang showbiz ay sa isang iglap maaari ka mawala ng tuluyan sa industriyang kinabibilangan.

Marami ng mga sikat na artista ang tuluyan ng iniwan ang kanilang karera sa showbiz na minsan nilang pinagbuhusan ng kanilang oras at talento.

Ilan sa kanila ay pinili ang pagiging artista sa personal na dahilan at ang iba naman ay pinili ang pribado na buhay na tahimik namumuhay.

Sa kabilang banda, Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa isang batikan at kontrabida na aktor na si Ramon Veroy Confiado na mas kilala sa industriya ng mga artista na “Mon Confiado”? Ultimo ang mga nakasama niya sa showbiz ay masasabi na lang na beterano at napakagaling na aktor nito.

Ilan teleserye at pelikula na naging parte siya at makikita pa din talaga sa telebisyon na tatatak sa atin dahil sa galing umarte ng aktor na ito. Ang mga manonood ay napapahanga sa kanya dahil sa epektibong pagiging kontrabida nito.

Maraming netizens ang nakapansin sa pagbabagong pisikal at itsura ni MON CONFIADO. Sa isang larawan ay hindi mo na siya makikilala at makikita na sobrang laki ang ipinayat ng “Emilio Aguinaldo ng HENERAL LUNA” na aktor.

Credit: Mon Confiado Facebook

Maraming netizens ang napaisip sa kanyang pagbabagong anyo at sa katunayan ay ilan mga di kumpirmadong balita ang lumutang patungkol sa aktor. Maraming haka-haka, iniisip at mga komento ang mga netizens kung ano na nga ba ang nangyari sa aktor na si Mon Confiado.

Credit: Mon Confiado Facebook

Sa isang instangram post nga ay ibinahagi ng aktor ang kanyang pagbabagong anyo para sa dedikasyon,sakripisyo, commitment at pagmamahal niya sa kanyang trabaho.

Credit: Mon Confiado Facebook

“Physical transformation in the name of cinema isn’t always easy. It requires a lot of discipline, dedication, passion, sacrifice, commitment and love for the art. #dramaticphysicaltransformationforarole #chameleon”, pahayag ni Mon Confiado

Ang ilan celebrity ay pinuri siya gayun din ang mga netizens dahil sa pagmamahal at dedikasyon niya sa trabaho.  At para talaga sa nag-iisang MON CONFIADO ito ang dahilan kung bakit nagtatagal siya sa industriyang kanyang kinaroroonan ay dahil sa pagmamahal, sakripisyo at dedikasyon nya sa kanyang trabaho.

“One of the most important elements in acting is characterization: making characters seem vivid, real, alive,” dagdag na pahayag ng premyadong kontrabidaong aktor.

 

 

Loading...