Matandang lalaki napagkamalan pulubi sa Motor Shop na hindi pinansin, Binili ng Cash ang isang Harley Davidson

Loading...

Karamihan sa panahon ngayon ay bumabase sa panlabas na kaanyuan, kasuotan at estado ng buhay.

Gaya na lamang ng isang matandang lalaki na ito na napagkamalan pulubi sa isang motor shop dahil sa pananamit nito na may suot na malaking t-shirt, tsinelas at pantalon na hindi maayos at sa kanyang hitsura na mahaba ang buhok.

Ang matandang lalaki ay mula sa Thailand at pumasok sa isang Bike shop upang tumingin ng kanyang bibilihin.

Nang pumasok siya sa Maxsingburibig Bike Shop, ang ilan sales person ay tinignan lamang siya.

Dahil sa kanyang kasuotan ay hind siya kapansin-pansin ng mga tao sa loob ng shop. Ang kanyang kasuotan ay sinamahan pa ng makalumang kwintas at isang maduming pantalon.

Dahil sa hindi pag-entertain at pagkausap sa matanda ay hindi aakalain ng mga sales person at tao sa loob ng shop ay makakabili ito ng isang Harley Davidson na motor na may halagang $17,361 o humigit kumulang P900,000 kung saan pinatunayan ito ng Thailand Based News  Site na SANOOK.

Ayon sa ulat ay binayaran umano ito ng Cash.  Matapos ang ilan araw ay bumalik ang matanda kung saan ang kanyang hitsura ay iniba niya habang dala-dala ang kanyang motor upang magtanong ng mga gamit o accesories sa naturang shop.

Ang matanda pala ay isang retiradong mekaniko at gusto na talga niya dati pa ang motor. Kaya naman pinag-ipunan umano ito upang mabili ang pangarap na motor.

Ayon ngasa kasabihan, “Don’t judge the book by it’s cover” na ang ibig sabihin nito ay huwag kagad manghusga sa ibang tao base lamang sa nakikita nila na panlabas na kaanyuan.

Marapat lamang na kilalanin muna ang tao at higit sa lahat huwag din manghusga ng kapwa lalo na hindi naman ito kaanu-anu o kakilala.

Loading...
Tags: