Isang grupo ng mga tatay ang nagbabantay at nag-aalaga sa kanilang mga Anak, Nag-viral at Kinagiliwan ng mga Netizens

Loading...

Nakasanayan na natin ang madalas natin makita sa kalsada para paarawan ang kanilang mga anak o madalas ang maglabas sa mga anak ay ang kanilang mga Ina.

Ang ina din ang kadalasan nagbabantay lalo na kapag ang kanilang asawa ay nasa trabaho. Normal na din dito sa Pilipinas na kapag makikipag-kwentuhan ang ina ay bitbit ang kanilang mga anak.

Larawan mula kay Jellyann Roque

Nakasanayan na din dito sa Pilipinas na kapag tumatambay ang Ina sa labas tuwing nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay ay isinasama nila ang kanilang mga anak dahil walang magbabantay o mapag-iiwanan.

Pero itong sitwasyon na ito ay kakaiba, Sa Facebook post ng isang netizen na si Jellyann Roque sa kanyang social media account ay ibinahagi niya ang larawan na isang grupo ng mga kalalakihan na makikitang nakatambay sa daan.

Hindi sila yung tambay na nag-iinuman, nagkukwentuhan at nagkakatuwaan na normal natin makikita sa mga kalsada kapag may nakita tayong grupo ng mga kalalakihan.

Dahil habang sila ay nakatambay na tila nagkukwentuhan sa kalsada ay may kanya-kanya silang bitbit na anak at ang ilan ay karga-karga pa nila ang kanilang sanggol. Hindi ito karaniwan sitwasyon na makikita natin sa ating lipunan.

Larawan mula kay Jellyann Roque

Madalas kasi kapag ang tatay ang nag-aalaga ng bata at nasa bahay, minsan ang ina ang naghahanap buhay. Ngunit hindi naman sa lahat ng sitwasyon ay ganito. Minsan ang ibang mag-asawa ay nagpapalitan sa pag-aalaga sa kanilang mga anak.

Kaya naman noong makita ito ng mga netizens ay labis ang kanilang ikinatuwa. Dahil kahit na nagkakatuwaan kasama ang mga barkada at hindi nila napapabayaan ang kanilang mga anak. Kung pagmamasdan maigi ang larawan ay mayroon pang tatay na nagpapainom ng gatas sa kanyang anak.

Sa pabirong caption ni Roque sa kanyang post, “Mga iniwan ng asawa hahaha charooot! Ganyan dapat kapag tatambay isasama anak.”

 

Loading...
Tags: