Taxi Driver na Pinoy, ibinalik ang P175,000 na halagang pera na naiwan ng mag-asawang German sa kanyang sasakyan

Loading...

Isang taxi driver ang usap-usapan ngayon sa publiko dahil sa kanyang pambihira na katapatan at pagiging mabuting tao dahil sa pagsasauli niya ng malaking salapi ng mag-asawang German na minsan niyang naging pasahero.

Hindi nasilaw ang taxi driver sa halaga na kanyang nakuha. Ayon sa ilan ulat, sumakay ang mag-asawang German papuntang City Scape Residences ng Bacolod galing sa Wilcon Depot.

Nakilala ang taxi driver na si Jhowny Camolista na nagsauli ng bag sa mag-asawa. Napansin niya umano na may naiwanan na bag sa kanyang sasakyan at nang kanyang binuksan ay may mga importanteng dokumento at malaking halaga na salapi.

Hindi nagdalawang isip si Camolista na isauli ang bag na ito kaya kaagad niya hinatid ng araw na yun sa “Bombo Radyo Bacolod” ang naturang bag.

Agad naman nabalitaan ito ng mag-asawang German national dahil naibalik ang kanilang nawalang bag. Malaki ang pasasalamat nito sa taxi driver na nagsauli na may mabuting kalooban at katapatan.

Ang mag-asawang German ay nakilala bilang sina Thomas Schick, 71-anyos at si Jutta Schick, 57-anyos. Nang maibalik ang bag sa kanila ang nilalaman pala ng kanilang bag ay P175,000 at 50 USD. Nagbigay din ang mag-asawa sa taxi driver sa halagang P5,000 bilang gatimpala sa taxi driver.

Ang matapat at hinahangaan na taxi driver ay mula sa E. Lopez, Silay City. Siya ay 48 taong gulang at may limang anak.

Maraming netizens din ang humanga dito at nagbigay ng mga positibong komento. Isa ito sa naging inspirasyon ng marami. Ayon sa ibang netizens sana daw lahat ng taxi driver ay may ganitong pag-uugali at minsan huwag din lokohin sa metro ang mga pasahero dahil sa panahon ngayon ang halaga ng salapi ay importante lalo na mahal ang mga bilihin at gastusin.

Loading...
Tags: