Netizens, ikinagulat ang larawan na ibinahagi ni Kylie na “Paternal Grandfather” sa socmed

Loading...

Karamihan sa ating mga Pilipino ay malapit sa bawat miyembro ng ating pamilya mula pa noon at hanggang ngayon.

Kaya hindi rin nakapagtataka ang ibang kabataan ngayon ay mas lumaki sa pangangalaga sa kanilang mga lolo at lola.

May iba din miyembro ng pamilya na hindi na naabutan ang kanilang lolo at lola kung kaya tanging larawan na lamang nila ito makikita at makikilala sa kwento na lang ng kanilang mga Anak.

Sa kabilang banda naman, ibinahagi ni Kylie Padilla ang larawan ng kanilang lolo. Ang lolo ni Kylie na si Roy Padilla na ama ng kanyang tatay na si Robin Padilla at tatlo pa nitong kapatid na sila Rustom ‘BB Gandanghari’, Royette at Rommel. Ang Ina nila Robin naman ay si Lolita Eva Cariño.

Naging usap-usapan sa publiko ang larawan ng kanyang lolo dahil malaki ang pagkakahawig nito kay Robin.

Mayroon din itong caption na “Wish I met you and got to know you Lolo. I think we would have got along.”

Maraming namangha na netizens dahil sa angking kagwapuhan nito talagang tatak Padilla kung tatawagin.

Ayon sa ulat ay nakilala bilang dating pulitiko si Roy at nagsilbi ito bilang Gobernador sa Camarines Norte simula 1975 hanggang 1988. Nakilala rin si Roy Padilla bilang isang magaling na direktor at aktor sa kanyang kapanahunan.

Loading...