Binigyan ng magandang buhay at mansyon ng lalaki na ito ang mag-asawang umampon sa kanya noon bilang pasasalamat

Loading...

Masarap suklian ng magandang buhay ang ating magulang kung saan sila ang nagtaguyod sa atin upang lumaki tayong mabuti, mabigyan ng edukasyon at maayos na buhay.

Isang halimbawa na lang ito ng buhay ni Jayvee Lazaro Badile II kung saan lumaki siya sa pangangalaga ng hindi niya tunay na magulang ngunit ipinaramdam at inalagaan siyang tunay na anak ng mga ito.

Ang kanyang kinalakihan na magulang ay nagtitinda ng isang porter. Hindi marangya ang kanilang buhay noon subalit ginagawa ang lahat para makakain araw-araw at mabuhay.

Bilang sukli sa kinalakihan na magulang sa ginawang pagpapalaki at pag-aalaga kay Jayvee, nang siya ay magkaroon na ng trabaho ay binigyan niya ito ng maayos na buhay.

Dinala sa Dubai, Australia at New Zealand upang mag-travel, pinagpahinga sa pagtatrabaho bukod pa rito ay pinatayuan pa niya ito ng mansyon kung saan sila nagdiwang noong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Ang sorpresa ni Jayvee ay hindi makapaniwala ang kanyang mga kinalakihan magulang dahil ang buhay nila noon ay ibang-iba na ngayon.

“Ito ang bilang ng mga taong ako ay namulat at nakatira kasama ang aking buong pamilya sa isang maliit na barong barong sa Bocaue, Bulacan. Amin itong inuupahan sa halagang isang libo kada buwan.

Madalas, binabaha ang mismong loob ng aming bahay, madalas din ay wala kaming sariling supply ng tubig. Dala ng kahirapan, madalas ay nababatakan kami ng kuntador ng kuryente.

Syam na myembro ng aking pamilya ang nakararanas ng sikip, dumi at init, at kawalan ng maayos na tulugan at kainan. Walang maayos na liguan, walang sarili at maayos na palikuran.

Ang aming tahanan ay larawan ng kahirapan, larawan ng pamilyang nagsisikap na makamtan ang pangarap.

PHILIPPIANS 4:13
I can do all things through Christ who strengthens me.

And finally, thru hardwork, grit and faith, I have provided a bigger home for my parents and my whole family.

7 Bedrooms, 3 Floors, 4 Toilets and Shower Rooms, Fully-Airconditioned with High-Ceiling Chandelier — these are exactly what I dreamt of for my foster family.

Thank You, Lord for these supernatural blessings and graces! Isang pitik, hustong takal, siksik, liglig at umaapaw na mga biyaya!” anya ni Jayvee nang makamit ang mansyon na kanyang ipinatayo.

Loading...
Tags: