Lalaki, nangulimbat sa isang Botika ng gamot at pera, nag-iwan ng isang ‘Note’ bago umalis na ikinalungkot ng marami 

Loading...

Kapag anak ang pinag-usapan lalo na nasa kalagitnaan ito ng karamdaman o pagsubok ay gagawin ng mga magulang ang lahat upang mailigtas lamang ang kanilang anak.

Isa sa pinakamahirap na sitwasyon ay yung anak mo na may sakit ngunit wala kang magawa dahil sa kakulangan sa pinansyal upang maipagamot ito.

Maaari maging kapit sa patalim ang gagawin ng iba, at ang iba naman ay gagawa ng paraan upang mailigtas ang anak o ayaw makita na nahihirapan ang anak.

Gaya na lamang ng isang lalaki na ito na nakuhanan sa CCTV noong January 3, 2020 na nagnakaw sa isang Botika sa Rite Aid, Ogontz Avenue Upper Northern Philadelphia.

Makikita ang isang payat na lalaki na may tangkad na 5’10 na nasa edad 30-40. May suot itong hoodie, salamin, gloves, sumbrero at may bigote din.

Pasimple itong kumuha ng gamot at di kalaunan ay nagpunta ito sa cashier. Nag-abot siya ng sulat sa cashier at ang nakalagay sa sulat ay, “Give me all the money. I’m sorry. I have a sick child. You have 15 seconds.”

Pinabibigay ng lalaki ang pera sa cashier at humihingi ito ng tawad dahil daw ang kanyang anak ay may sakit.

Dahil sa sobrang gulat ng cashier at takot ay ibinigay ang pera sa lalaki. Pagkakuha ng pera ay nagmadali na rin umalis ang lalaki.

Inilabas din ang CCTV Footage ng Philadelphia Police Deparment, Northwest Detective Division ng magnanakaw at humihingi ng tulong sa publiko upang mapadali ang pagdakip sa naturang lalaki.

Dahil sa ”sorry” note na ibinigay ng lalaki na iniwan nito, maraming netizens ang nakadama ng awa para sa nararanasan ngayon ng lalaki para sa kanyang anak kung sakali totoo ang nakalagay sa sulat.

Alam din ng marami na hindi rin tama ang gumawa ng masama lalo na sa oras ng kagipitan dahil maaari rin ikapahamak nila o ng ibang tao sa paligid.

Loading...
Tags: