Aso na tabachingching namataan nakasuot ng helmet habang sakay ng motorsiklo, natuwa ang mga netizens dahil disiplinadong rider umano

Loading...

Marami ang magpapatunay na mga animal lovers ang katagang “This friendship is fur real” at “Man’s bestfriend” dahil sa kanilang personal na relasyon sa mga alagang hayop.

Ang iba ay hindi lang friendship ang turing sa mga alagang hayop dahil mas lamang ang pagturing nila dito bilang isang miyembro ng pamilya. Kaya marami rin nauuso ngayon na tinatawag na “fur parents” at “fur babies”.

Isang halimbawa na dito ang viral ngayon na post sa Facebook na isang aso na naka-helmet pa umano ito habang sakay sa motorsiklo.

Ang uploader ng larawan na ito ay nakilala na si Margeon Aguillon kung saan ibinahagi niya ang larawan nakasuot na helmet ang mag-amo na tila may binili lamang.

Isa pang agaw pansin, bukod sa kanilang helmet kapansin-pansin din na malusog ang aso na siyang nakadagdag ng atensyon sa madla at ang mga ngiti nito ay tila excited.

Ayon sa ilan komento, ang nasabing post ay taga-Bohol na madalas makita nila sa Alturas Mall.

“Taga Bohol po sila. Minsan nakikita ko sila sa Alturas Mall, minsan naman sa may bandang shoppers. Sobrang healthy, ang taba at ang cute ng aso na yan.”

“Mabuti pa ang aso, disiplinado nakasuot ng helmet, Yung iba dyan mga nasa posisyon pa mga pasaway.”

“Hala! Ang taba ng aso hahaha. Naiipit na yung tyan niya hahaha”

“Hala ka baby! May helmet ka nga, nakalimutan mo naman mag-damit hahaha!”

“Baby ang lusog mo naku pwera usog sayo hahaha!”

Loading...
Tags: